Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Pangatlong Bahagi

15. Huwag mag-aksaya ng tubig sa pag-ghusl(pagligo). Huwag gumamit ng labis na tubig at hindi rin dapat gumamit ng napakakaunting tubig, na ang isa ay hindi makapaghugas ng mabuti.

Si Sayyiduna Aqeel bin Abi Taalib radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, "Ang isang Mudd ng tubig ay sapat na para sa wudhu, at isang Saa' ng tubig ay sapat na para sa ghusl." Nang marinig ito isang tao, siya ay nagsabi, "Ang dami ng tubig na ito ay hindi sapat sa atin." Pinayuhan ni Sayyiduna Aqeel radhiyallahu anhu ang taong ito at tumugon, “Sapat iyan sa taong mas mabuti kaysa sa iyo at may marami ang buhok niya kaysa sa iyo (tinutukoy niya ang Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam).” (Ang mudd at saa' ay dalawang uri ng sukat sa kapanahunan na iyon)

Magbasa pa

Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Pangalawang Bahagi

9. Isagawa ang kompletong Wudhu.

Si Sayyidatuna Aaishah radhiyallahu anha ay nag-ulat na kapag si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagnanais na magsagawa ng fardh ghusl, siya ay magsisimula sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanyang mga kamay bago ito ilubog sa lalagyan ng tubig. Pagkatapos, siya ay maghuhugas ng kanyang mga maselang bahagi ng katawan at magsagawa ng wudhu, tulad ng kanyang pagsasagawa ng wudhu para sa salaah.”

Magbasa pa

Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Unang Bahagi

1. Humarap sa direksyon ng qiblah habang nagsasagawa ng ghusl. Mas mainam na nakatakip ang maselang bahagi ng katawan habang isinasagawa ang ghusl.

2. Maligo sa lugar na walang makakakita sa iyo. Mas mainam na isagawa ang ghusl na natatakpan ang maselang bahagi ng katawan. Gayunpaman, kung ang isa ay nasa isang nakapaloob na lugar (hal. banyo) at ang isa ay nagsasagawa ng ghusl nang hindi natatakpan ang maselang bahagi ng katawan, ito ay panapahintulutan.

Magbasa pa

Sunnah na Paraan ng Pagsagawa ng Wudhu

19. Kailangan isagawa ang wudhu ng magkakasunud-sunod. Kapag naghuhugas ng mukha at mga braso, isinasagawa ang masah ng ulo, at naghuhugas ng mga paa, ito ay kailangan (fardh) na gawin sa apat na mga bahagi ng katawan sa ganitong pagkakasunod-sunod. Kung babaguhin ng isa ang pagkakasunod-sunod hal. ginagawa niya ang …

Magbasa pa