Tunay na sa iyong Rabb ang pagbabalik.
Sa talatang ito, ipinaalala ng Allah Ta‘ala sa tao na balang araw, siya ay lilipas at kailangang bumalik sa Allah Ta‘ala. Hindi maiiwasan, kailangan niyang umalis sa makamundong tahanan na ito at bumalik sa walang hanggang tahanan sa Kabilang-Buhay kung saan kailangan magpaliwanag para sa kanyang mga gawa. Hangga’t isinasaisip ng tao ang Kabilang-Buhay at natatakot sa pagtutuos ng Kabilang-Buhay, mananatili siya sa tamang landas.
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo