Si Shaikh Shibli rahimahullah ay nag-uulat ng sumusunod na insidente:
Minsan, namatay ang isa kong kapitbahay. Maya-maya, nakita ko siya sa panaginip. Tinanong ko siya, “Paano ka pinakitunguhan ng Allah ta’ala?” Sumagot siya:
“O Shibli! Dumanas ako ng matinding pagkabalisa at kahirapan, dahil hindi ko nasagot ang mga tanong ng mga anghel sa libingan! Nang makita kong hindi ako makapagsalita at makasagot, naisip ko sa aking sarili, ‘Bakit ako dumaranas ng gayong paghihirap? Hindi ba ako pumanaw na may imaan?’ Sa sandaling sumagi sa isip ko ang kaisipang ito, isang tinig ang tumawag sa akin, ‘Ito ang parusa sa iyong pagiging pabaya tungkol sa paggamit ng iyong dila sa dunya.’
“Pagkatapos noon, nang ang dalawang anghel ay nagnanais na parusahan ako, isang lalaki na pinakagwapo at may labis na katangi-tanging halimuyak mula sa kanya ang namagitan sa akin at sa mga anghel at tinulungan akong magbigay ng tamang sagot. Matapos maibigay ang tamang sagot sa mga anghel at maligtas mula sa kaparusahan, tinanong ko ang lalaki, ‘Sino ka? Kaawaan ka nawa ng Allah ta’ala!’ Sumagot ang lalaki, ‘Ako ay isang tao na nilikha ng Allah ta’ala sa dahil sa masaganang Salawat na iyong binigkas kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Ako ay isinugo at inutusang tulungan ka sa oras ng iyong kahirapan.’”
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo