
بِسْمِ ٱللَّهِ ٱلرَّحْمَٰنِ ٱلرَّحِيمِ
وَٱلْعٰدِيٰتِ ضَبْحًا ﴿١﴾ فالْمُوْرِيٰتِ قَدْحًا ﴿٢﴾ فالْمُغِيرٰتِ صُبْحًا ﴿٣﴾ فَأَثَرْنَ بِهِ نَقْعًا ﴿٤﴾ فَوَسَطْنَ بِهِ جَمْعًا ﴿٥﴾ إِنَّ ٱلْإِنسٰنَ لِرَبِّهِ لَكَنُودٌ ﴿٦﴾ وَإِنَّهُۥ عَلٰى ذٰلِكَ لَشَهِيدٌ ﴿٧﴾ وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلْخَيْرِ لَشَدِيدٌ ﴿٨﴾ أَفَلَا يَعْلَمُ إِذَا بُعْثِرَ مَا فِى ٱلْقُبُورِ ﴿٩﴾ وَحُصِّلَ مَا فِى ٱلصُّدُورِ ﴿١٠﴾ إِنَّ رَبَّهُم بِهِمْ يَوْمَئِذٍ لَّخَبِيرُ ﴿١١﴾
Sumusumpa Ako sa mga (kabayong) humahagibis nang humihingal, na lumilikha ng mga siklab sa pamamagitan ng paghampas (ng kanilang mga paa) sa mabatong lupain, na sumasalakay sa madaling-araw, na nagpapalipad ng alikabok, at pumapasok sa gitna mismo ng mga kaaway. Tunay na ang tao ay labis na walang-pasasalamat sa kanyang Panginoon. At siya mismo ay saksi sa katotohanang ito. At sa kanyang pagmamahal sa kayamanan, siya ay labis na masidhi. Hindi ba niya alam (kung ano ang mangyayari) kapag ang lahat ng nasa mga libingan ay inilabas? At ang lahat ng nasa loob ng mga dibdib (mga puso) ay inilantad? Katiyakan, ang iyong Panginoon, sa araw na iyon, ay lubos na nakababatid sa kanila.
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo