15. Huwag mag-aksaya ng tubig sa pag-ghusl(pagligo). Huwag gumamit ng labis na tubig at hindi rin dapat gumamit ng napakakaunting tubig, na ang isa ay hindi makapaghugas ng mabuti.
Si Sayyiduna Aqeel bin Abi Taalib radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, "Ang isang Mudd ng tubig ay sapat na para sa wudhu, at isang Saa' ng tubig ay sapat na para sa ghusl." Nang marinig ito isang tao, siya ay nagsabi, "Ang dami ng tubig na ito ay hindi sapat sa atin." Pinayuhan ni Sayyiduna Aqeel radhiyallahu anhu ang taong ito at tumugon, “Sapat iyan sa taong mas mabuti kaysa sa iyo at may marami ang buhok niya kaysa sa iyo (tinutukoy niya ang Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam).” (Ang mudd at saa' ay dalawang uri ng sukat sa kapanahunan na iyon)
Magbasa pa