Maraming pagkakataon kung kailan sunnah na magsagawa ng ghusl. Ilan sa mga pagkakataong ito ay:
1. Araw ng Jumuah.
عن عبدالله بن عمر رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال إذا جاء أحدكم الجمعة فليغتسل (صحيح البخاري، الرقم: 877)
Si Sayyiduna Abdullah bin Umar radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman sa inyo ay darating para sa Jumuah ay dapat siyang mag-ghusl.”
2. Ang dalawang araw ng Eid i.e. Eidul Fitr and Eidul Adha.
عن ابن عباس رضي الله عنهما قال كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يغتسل يوم الفطر ويوم الأضحى (سنن ابن ماجة،الرقم: 1315)
Iniulat ni Sayyiduna Ibnu Abbaas radhiyallahu anhuma na naliligo si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa Araw ng Eidul Fitr at sa Araw ng Eidul Adha.
3. Araw ng Arafah.
عن زاذان قال سأل رجل عليا رضي الله عنه عن الغسل قال اغتسل كل يوم إن شئت فقال الغسل الذي هو الغسل قال يوم الجمعة ويوم عرفة ويوم النحر ويوم الفطر (مسند الشافعي على ترتيب السندي، الرقم: 114)
Iniulat ni Sayyiduna Zaadhaan rahimahullah na sa isang pagkakataon, isang tao ang nagtanong kay Sayyiduna Ali radhiyallahu anhu tungkol sa (kung kailan siya dapat magsagawa) ng ghusl. Sumagot si Sayyiduna Ali radhiyallahu anhu, “Maaari kang mag-ghusl araw-araw kung nais mo.” Pagkatapos ay nagtanong ang tao, “(Nagtatanong ako tungkol sa) ghusl na pinakamahalaga.” Sumagot si Sayyiduna Ali radhiyallahu anhu, “(Ang pinakamahalagang okasyon ng ghusl ay) ang Araw ng Jumuah, ang Araw ng Arafah, ang Araw ng Eidul Adha at ang Araw ng Eidul Fitr.”
4. Sa pagpasok sa ihraam.
عن خارجة بن زيد بن ثابت عن أبي هر ضي الله عنه أنه رأى النبي صلى الله عليه وسلم تجرد لإهلاله واغتسل (سنن الترمذي، الرقم: 830)
Si Sayyiduna Zaid bin Thaabit radhiyallahu anhu ay nag-ulat na nakita niya na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagtanggal ng kanyang damit para sa (pagpasok sa) ihraam at siya ay nagsagawa ng ghusl.
5. Sa pagpasok sa Makkah Mukarramah.
عن نافع أن ابن عمر كان إذا قدم مكة بات بذي طوى حتى يصبح ويغتسل ثم يدخل مكة نهارا ويذكر عن النبي صلى الله عليه وسلم أنه فعله (سنن أبي داود، الرقم: 1865)
Si Sayyiduna Naafi’ rahimahullah ay nag-ulat na noong si Sayyiduna Ibnu Umar radhiyallahu anhuma ay pumunta sa Makkah Mukarramah, siya ay nagpapalipas ng gabi sa Zi Tuwaa. Sa umaga siya ay pumapasok sa Makkah Mukarramah sa araw at binanggit niya na ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay ginagawa ito..
Tandaan: Bukod sa mga sunnah na okasyon ng ghusl, may ilang mustahab na okasyon ng ghusl na binanggit ng mga Fuqahaa. Kabilang sa mga okasyong ito ay:
a) Pagkatapos mag-hijamah/cupping.
b) Matapos magbigay ng ghusl sa mayyit.
c) Kapag nagbabalak dumalo sa isang pagtitipon.