Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Pangatlong Bahagi

Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo)

15. Huwag mag-aksaya ng tubig sa pag-ghusl(pagligo). Huwag gumamit ng labis na tubig at hindi rin dapat gumamit ng napakakaunting tubig, na ang isa ay hindi makapaghugas ng mabuti.

عن عبدالله بن محمد بن عقيل بن أبي طالب عن أبيه عن جده رضي الله عنهم قال قال رسول الله صلى الله علي هو سلم يجزئ من الوضوء مد ومن الغسل صاع فقال رجل لايجزئنا فقال قد كان يجزئ من هو خير منك وأكثر شعرا يعني النبي صلى الله عليه وسلم (سنن ابن ماجة ، الرقم : 270)

Si Sayyiduna Aqeel bin Abi Taalib radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang isang Mudd ng tubig ay sapat na para sa wudhu, at isang Saa’ ng tubig ay sapat na para sa ghusl.” Nang marinig ito isang tao, siya ay nagsabi, “Ang dami ng tubig na ito ay hindi sapat sa atin.” Pinayuhan ni Sayyiduna Aqeel radhiyallahu anhu ang taong ito at tumugon, “Sapat iyan sa taong mas mabuti kaysa sa iyo at may marami ang buhok niya kaysa sa iyo (tinutukoy niya ang Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam).” (Ang mudd at saa’ ay dalawang uri ng sukat sa kapanahunan na iyon)

16. Huwag magsalita, magkanta o anumang uri ng pag-uusap habang naliligo.

17. Huwag magtagal sa banyo, lalo na kung ito ay pangmaramihang banyo na ginagamit din ng iba.

18. Huwag magrumi sa banyo ng inalis na buhok mula sa katawan.

19. Alalahanin ang ibang tao kapag gumagamit ng mainit na tubig. Huwag gumamit nang labis na ang mga susunod sa iyo ay maaabala sa kawalan ng sapat na mainit na tubig.

20. Pagkatapos maligo, mas mainam na hayaan ang katawan na matuyo nang mag-isa nang hindi pinupunasan ng tuwalya. Gayunpaman, kung kailangang gumamit ng tuwalya upang matuyo ang katawan, ito ay panipahintulutan na gawin.

21. Magmadaling takpan ang katawan pagkatapos maligo.

22. Huwag umihi sa paliguan.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …