Ang mga sunnah ng Gawain sa ghusl ay:
1. Pagbigkas ng tasmiyah (bismillah) sa simula.
2. Paghugas ng mga kamay hanggang sa pulso ng mga kamay.
3. Paghugas ng mga pribadong parte ng katawan at kung saan may marurumi.
4. Pagsagawa ng kompletong wudhu.
5. Pagsuklay gamit ang mga daliri ng kamay sa buhok at balbas bago magbuhos ng tubig sa ulo.
6. Pagbuhos ng tubig sa ulo sa simula, pagkatapos ay ang kanang bahagi ng katawan na nagsisimula mula sa itaas hanggang sa ibaba at pagkatapos ay ang kaliwang bahagi ng katawan na nagsisimula mula sa itaas hanggang sa ibaba.
7. Panatilihin ang intensyon ng ghusl sa iyong isipan hanggang sa matapos ang ghusl.
8. Pagkuskos sa katawan sa bawat pagbubuhos ng tubig sa katawan.
9. Paghuhugas ng lahat ng mga parte ng katawan, nang sunud-sunod.
10. Paghuhugas ng kanang parte ng katawan bago ang kaliwang parte ng katawan.
11. Paghuhugas ng mga parte ng katawan ng tatlong beses.
12. Pagtitiyak na ang tubig ay umabot sa lahat ng kasukasuan at tupi ng katawan.
13. Pagbigkas ng shahaadah pagkatapos makumpleto ang ghusl.