Si Hazrat Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Hazrat Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang magpadala ng mga salawat/pagbati sa akin ng isang beses, ang Allah ay magpapadala ng mga pagbati (yun ay gagantimpalaan siya at magbubuhos ng Kanyang awa) sa kanya ng sampung beses.”
Magbasa paSunnah na Paraan ng Paggamit ng Miswaak
5. Kung walang miswaak, hindi magiging kapalit ng miswaak ang daliri. Maaaring gumamit ng bagay na magaspang at makakalinis ng bibig hal. isang toothbrush.
6. Ang miswaak ay hindi dapat lumampas sa isang dangkal ang haba.
7. Anumang kahoy na kapaki-pakinabang para sa paglilinis ng bibig at hindi nakakapinsala o nakakalason ay maaaring gamitin bilang miswaak. Ang pinakamagandang miswaak ay mula sa puno ng peelu (salvadora persica) at pagkatapos ay sa puno ng olibo.
Magbasa paSunnah na Paraan ng Paggamit ng Miswaak
1. Ang paraan ng paghawak ng miswaak ay ilagay ang hinlalaki at maliit na daliri sa ilalim ng miswaak at ang kanyang natitirang mga daliri ay sa itaas na bahagi ng miswaak.
2. Hawakan ang miswaak gamit ang kanang kamay at simulan ang paglilinis ng mga ngipin mula sa kanan.
3. Gamitin ang miswaak sa mga ngipin nang pahalang at sa dila nang patayo. Katulad nito, ang miswaak ay dapat gawin sa ngalangala nang mahinahon.
Magbasa paMga Kabutihan ng Paggamit ng Miswaak
1. Ang paggamit ng miswaak ay nagpaparami ng gantimpala ng salaah ng pitumpung beses.
Iniulat ni Sayyidatuna Aaishah radhiyallahu anha na sinabi ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, "Ang salaah na ginawa pagkatapos gumamit ng miswaak ay pitumpung beses na higit na kabutihan kaysa sa salaah na ginawa nang hindi gumagamit ng miswaak."
Magbasa paMga Okasyon na Sunnah ang Ghusl
Maraming pagkakataon kung kailan sunnah na magsagawa ng ghusl. Ilan sa mga pagkakataong ito ay:
1. Araw ng Jumuah.
Si Sayyiduna Abdullah bin Umar radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman sa inyo ay darating para sa Jumuah ay dapat siyang mag-ghusl.”
Magbasa paMagandang Balita mula sa Allah Ta‘ala para sa mga nagbibigkas ng Salawaat
عن عبد الرحمن بن عوف رضي الله عنه قال خرج رسول الله صلى الله عليه وسلم فاتبعته حتى دخل نخلا فسجد فأطال السجود حتى خفت أو خشيت أن يكون الله قد توفاه أو قبضه قال فجئت أنظر فرفع رأسه فقال ما لك يا عبد الرحمن قال فذكرت ذلك له فقال …
Magbasa paMga Sunnah sa Ghusl
Ang mga sunnah ng Gawain sa ghusl ay: 1. Pagbigkas ng tasmiyah (bismillah) sa simula. 2. Paghugas ng mga kamay hanggang sa pulso ng mga kamay. 3. Paghugas ng mga pribadong parte ng katawan at kung saan may marurumi. 4. Pagsagawa ng kompletong wudhu. 5. Pagsuklay gamit ang mga daliri …
Magbasa paMga Faraaidh(pangunahing kaylangan gawain) ng Ghusl
Dalawa ang fardh na gawain sa ghusl:
1. Intensyon ng ghusl (pag alis ng hadath) bago paman magsimulang hugasan ang katawan.
2. Pagbuhos ng tubig sa buong katawan.
Sunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Pangatlong Bahagi
15. Huwag mag-aksaya ng tubig sa pag-ghusl(pagligo). Huwag gumamit ng labis na tubig at hindi rin dapat gumamit ng napakakaunting tubig, na ang isa ay hindi makapaghugas ng mabuti.
Si Sayyiduna Aqeel bin Abi Taalib radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, "Ang isang Mudd ng tubig ay sapat na para sa wudhu, at isang Saa' ng tubig ay sapat na para sa ghusl." Nang marinig ito isang tao, siya ay nagsabi, "Ang dami ng tubig na ito ay hindi sapat sa atin." Pinayuhan ni Sayyiduna Aqeel radhiyallahu anhu ang taong ito at tumugon, “Sapat iyan sa taong mas mabuti kaysa sa iyo at may marami ang buhok niya kaysa sa iyo (tinutukoy niya ang Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam).” (Ang mudd at saa' ay dalawang uri ng sukat sa kapanahunan na iyon)
Magbasa paSunnah na Paraan ng Ghusl (Pagligo) – Pangalawang Bahagi
9. Isagawa ang kompletong Wudhu.
Si Sayyidatuna Aaishah radhiyallahu anha ay nag-ulat na kapag si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagnanais na magsagawa ng fardh ghusl, siya ay magsisimula sa pamamagitan ng paghuhugas ng kanyang mga kamay bago ito ilubog sa lalagyan ng tubig. Pagkatapos, siya ay maghuhugas ng kanyang mga maselang bahagi ng katawan at magsagawa ng wudhu, tulad ng kanyang pagsasagawa ng wudhu para sa salaah.”
Magbasa pa
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo