Miswaak

Mga pagkakataon kung kailan dapat gamitin ang Miswaak

6. Bago at pagkatapos kumain.

Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam ay nagsabi, at katiyakang sinabi niya, “Kung hindi dahil sa takot na mahihirapan ang aking Ummah, tiyak na ipinag-uutos ko sa kanila (at gagawin itong sapilitan sa kanila) ang paggamit ng miswaak sa oras ng bawat wudhu (gayunpaman, ang paggamit ng miswaak ay hindi sapilitan ngunit isang binibigyang-diin na sunnah)." Sinabi pa ni Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu, “Dahil sa pagbibigay-diin ng Rasulullah sallallahu alayhi wa sallam sa paggamit ng miswaak, nakaugalian kong gamitin ang miswaak bago matulog, sa paggising, bago kumain at pagkatapos kumain.”

Magbasa pa

Mga pagkakataon kung kailan dapat gamitin ang Miswaak

4. Sa oras ng wudhu.

Iniulat ni Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu na sinabi ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, “Kung hindi dahil sa takot ba mahihirapan ang aking Ummah, tiyak na ipag-uutos ko sa kanila na gumamit ng miswaak sa oras ng bawat wudhu (gayunpaman, ang paggamit ng miswaak ay hindi sapilitan ngunit isang binibigyang-diin na sunnah sa oras ng wudhu).”

Magbasa pa

Mga pagkakataon kung kailan dapat gamitin ang Miswaak

1. Pagkagising

Iniulat ni Sayyidatuna Aaishah radhiyallahu anha, "Kapag nagigising si Nabi sallallahu alayhi wasallam mula sa kanyang pagtulog, sa gabi man o araw, siya ay nagmimiswaak bago magsagawa ng wudhu."

Dapat tandaan na ang paggamit ng miswaak sa paggising ay isang hiwalay na sunnah at ang paggamit ng miswaak sa oras ng wudhu ay isang hiwalay na sunnah. Samakatuwid, kahit na ang isang tao ay hindi nagnanais na magsagawa ng wudhu upang magsagawa ng salaah sa paggising mula sa kanyang pagtulog (o ang isang babae ay nasa regla, na hindi naman magsasalah), siya ay dapat pa ring gumamit ng miswaak sa paggising.

Magbasa pa

Sunnah na Paraan ng Paggamit ng Miswaak

5. Kung walang miswaak, hindi magiging kapalit ng miswaak ang daliri. Maaaring gumamit ng bagay na magaspang at makakalinis ng bibig hal. isang toothbrush.

6. Ang miswaak ay hindi dapat lumampas sa isang dangkal ang haba.

7. Anumang kahoy na kapaki-pakinabang para sa paglilinis ng bibig at hindi nakakapinsala o nakakalason ay maaaring gamitin bilang miswaak. Ang pinakamagandang miswaak ay mula sa puno ng peelu (salvadora persica) at pagkatapos ay sa puno ng olibo.

Magbasa pa

Sunnah na Paraan ng Paggamit ng Miswaak

1. Ang paraan ng paghawak ng miswaak ay ilagay ang hinlalaki at maliit na daliri sa ilalim ng miswaak at ang kanyang natitirang mga daliri ay sa itaas na bahagi ng miswaak.

2. Hawakan ang miswaak gamit ang kanang kamay at simulan ang paglilinis ng mga ngipin mula sa kanan.

3. Gamitin ang miswaak sa mga ngipin nang pahalang at sa dila nang patayo. Katulad nito, ang miswaak ay dapat gawin sa ngalangala nang mahinahon.

Magbasa pa

Mga Kabutihan ng Paggamit ng Miswaak

1. Ang paggamit ng miswaak ay nagpaparami ng gantimpala ng salaah ng pitumpung beses.

Iniulat ni Sayyidatuna Aaishah radhiyallahu anha na sinabi ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, "Ang salaah na ginawa pagkatapos gumamit ng miswaak ay pitumpung beses na higit na kabutihan kaysa sa salaah na ginawa nang hindi gumagamit ng miswaak."

Magbasa pa