Si Sayyiduna Anas bin Nadhr (radhiyallahu ‘anhu) ay isa sa mga Sahaabah (radhiyallahu ‘anhum) na hindi pinalad na makabahagi sa Labanan sa Badr. Lubos niyang ikinalulungkot na napalampas niya ang karangalan ng pakikilahok sa una at pinakatanyag na labanan para sa Islam. Siya ay nagnanais ng pagkakataon kung saan siya ay makapagbayad para sa Badr.
Hindi niya kailangang maghintay ng matagal. Ang Labanan sa Uhud ay naganap noong sumunod na taon. Sumali siya sa hukbo na may pinaka-determinadong kasigasigan.
Sa kabila ng mabigat na sitwaston, ang mga Muslim ay nangunguna at nananalo, pero nang ang ilang mga tao ay gumawa ng isang pagkakamali, ang mga Muslim ay kailangang magdusa ng kabaligtaran. Ang Propeta (sallallahu ‘alaihi wasallam) ay naglagay ng pangkat ng limampung mamamana upang bantayan ang isang daanan sa likuran laban sa kaaway. Mayroon silang tiyak na mga tagubilin na huwag umalis mula sa kanilang posisyon hanggang sa karagdagang mga utos mula sa kanya. Ang dahilan ng paglalagay ng Propeta (sallallahu ‘alaihi wasallam) sa mga Sahaabah na ito sa lugar na ito ay dahil may takot sa mga hindi naniniwala na umatake sa mga Muslim mula sa bandang ito.