Pagbigkas ng Salawat bago Magsagawa ng Dua 

عن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال إذا أراد أحدكم أن يسأل فليبدأ بالمدحة والثناء على الله بما هو أهله ثم ليصل على النبي صلى الله عليه وسلم ثم ليسأل بعد فإنه أجدر أن ينجح (المعجم الكبير للطبراني، الرقم: 8780، ورجاله رجال الصحيح إلا أن أبا عبيدة لم يسمع من أبيه كما في مجمع الزوائد، الرقم: 17255)

Si Sayyiduna Abdullah bin Mas’ood radhiyallahu anhu ay nagsabi, “Kapag ang sinuman sa inyo ay nagnanais na magdasal kay Allah Ta’ala, dapat niyang simulan ang kanyang dua sa pamamagitan ng pagpupuri at pagluwalhati sa Allah Ta’ala ng mga papuri na angkop sa Kanyang kadakilaan at karangalan. Pagkatapos ay dapat siyang magpadala ng Salawat (pagpupugay) kay Nabi sallallahu alayhi wasallam, at pagkatapos ay dapat siyang magdasal, dahil (sa pamamagitan ng pagsunod sa pamamaraang ito ng pagdarasal,) ay mas malamang na siya ay magtatagumpay (sa pagtupad sa kanyang dua).”

Ang Duas ay Nakasuspinde hanggat ang Salawat ay Binibigkas

عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه قال: إن الدعاء موقوف بين السماء والأرض لا يصعد منه شيء حتى تصلي على نبيك صلى الله عليه وسلم (سنن الترمذي، الرقم: 486)

Si Sayyiduna Umar radhiyallahu anhu ay nagsalaysay, “Ang Duas ay nananatiling nakabitin sa pagitan ng mga langit at ng lupa. Hindi ito magpapatuloy patungo sa langit hangga’t hindi pa binibigkas ang Salawat sa Nabi sallallahu alayhi wasallam (yun ay walang garantiya ka pagka tanggap nito).

Suriin din ang

Ang pagsulat ng Salawat kapag isinusulat ang Mapalad na pangalan ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam 

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من …