Mga Kabutihan ng Wudhu

3. Ang pananatiling may wudhu ay tanda ng isang tunay na mananampalataya.

عن ثوبان رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم استقيموا ولنتحصوا واعلموا أن خير أعمالكم الصلاة ولايحافظ على الوضوء إلا مؤمن (سنن ابن ماجة، الرقم: 277)[1]

Si Sayyiduna Thowbaan (radhiyallahu anhu) ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alayhi wasallam) ay nagsabi, “Subukan mo ang iyong makakaya na manatili sa istiqaamah (katatagan) sa lahat ng bagay, kahit na hindi mo ito magagawa nang buo, at alalahanin na ang pinakamabuting gawain ay ang salaah, at ang pangangalaga sa wudhu ay tanda ng isang tunay na mananampalataya (i.e. ang pagsasagawa ng isang ganap at perpektong wudhu at ang manatili sa kalagayan na may wudhu sa lahat ng oras ay tanda ng isang tunay na mananampalataya).”

4. Ang pumanaw sa kalagayan na may wudhu ay mabibiyayaan ng ranggo ng shaheed/martir.

عن أنس بن مالك رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم يا بني إن استطعت أن لا تزال على وضوء فإنه من يأتيه الموت وهو على وضوء يعطى الشهادة (مجمع الزوائد، الرقم: 1470)[2]

Si Sayyiduna Anas bin Maalik (radhiyallahu anhu) ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah (sallallaahu alayhi wasallam) ay nagsabi, “O aking minamahal na anak! Kung magagawa mong manatili sa estado ng wudhu (kung ganon ay gawin mo ito), dahil ang pumanaw sa kalagan na may wudhu ay mabibiyayaan ng ranggo ng isang martir.”

5. Ang nagsasagawa ng ganap na wudhu ay pinoprotektahan niya ang kanyang sarili mula sa Shaitaan, tulad ng mga nagbabantay sa mga hangganan ng lugar ng Islam na nagbibigay ng proteksyon sa mga Muslim mula sa mga kaaway ng Islam.

عن أبي هريرةرضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال ألا أدلكم على ما يمحو الله به الخطايا ويرفع به الدرجات قالوا بلى يا رسول الله قالإسباغ الوضوء على المكاره وكثرة الخطا إلى المساجد وانتظار الصلاة بعد الصلاة فذلكم الرباط (صحيح مسلم،الرقم: 251)

Si Sayyiduna Abu Hurairah (radhiyallahu anhu) ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alayhi wasallam) ay minsang nagtanong sa mga Sahaabah (radhiyallahu anhum), “Dapat ko bang ipaalam sa inyo ang mga gawain kung saan papawiin ng Allah ta ‘ala ang inyong mga kasalanan at itataas ang inyong mga antas?” Ang mga Sahaabah (radhiyallahu anhum) ay sumagot, “Katiyakang ipaalam mo sa amin, O Sugo ng Allah (sallallahu alayhi wasallam)!” Sinabi ni Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alayhi wasallam), “Ang pagsasagawa ng ganap na wudhu sa kabila ng mga kahirapan nitong isagawa, pagpaparami ng mga hakbang sa paglalakad patungo sa mga masjid at paghihintay sa susunod na salaah pagkatapos maisagawa ang isang salaah. Ang mga gawain na ito ay kahawig ng gawain ng mga taong nagpoprotekta sa mga hangganan ng lugar ng Islam laban sa mga kaaway ng Islam (sa pamamagitan ng mga gawain na ito, pinoprotektahan ng isang tao ang kanyang sarili mula sa mga kasamaan ng nafs at Shaitaan, tulad ng mga nagbabantay sa mga hangganan ng lugar ng Islam na nagpoprotekta sa mga Muslim laban sa mga kaaway ng Islam)”


[1] قال البوصيري: رجال إسناده ثقات أثبات إلا أن فيه انقطاعا بين سالم وثوبان ولكن أخرجه الدارمي وابن حبان في صحيحه من طريق ثوبان متصلا (زوائد ابن ماجة 1/102)

[2] قال الهيثمي: رواه أبو يعلى والطبراني في الصغير وزاد يا بني إذا خرجت من بيتك فلا يقعن بصرك على أحد من أهل القبلة إلا ظننت أنه له الفضل عليك يا بني إن ذلك من سنتي ومن أحيا سنتي فقد أحبني ومن أحبني كان معي في الجنة وفيه محمد بن الحسن بن أبي يزيد وهو ضعيف

قال البوصيري: علي بن زيد بن جدعان ضعيف لكن لم ينفرد به علي بن زيد فقد رواه أحمد بن منيع ثنا يؤيد أبنا العلاء أبو محمد الثقفي سمعت أنس بن مالك … فذكره وسيأتي لفظه في آخر كتاب المواعظ إن شاء الله روى الترمذي قطعة منه في الصلاة وأخرى في العلم من طريق أعلي بن زيد (إتحاف الخيرة المهرة، الرقم: 540)

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …