1. Maghanda nang maaga para sa salaah, bago pumasok ang oras ng salaah, at tiyaking ikaw ay hindi lamang pisikal na handa ngunit ikaw ay may kamalayan din sa pag-iisip na ikaw ay maghaharap sa hukuman ng Dakilang Allah
2. Siguraduhin na ikaw ay nagsasagawa ng bawat salaah sa itinakdang oras nito kasama ang jamaah sa musjid.
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم لولا ما في البيوت من النساء والذرية لأقمت الصلاة صلاة العشاء وأمرت فتياني يحرقون ما في البيوت بالنار (مسند أحمد، الرقم: 8796)
Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alaihi wasallam) ay nagsabi, “Kung hindi dahil sa mga kababaihan at mga bata sa mga tahanan, ako ay magsagawa ng Esha Salaah at pagkatapos noon ay mag-uutos sa isang grupo ng mga kabataan na magsindi ng mga tahanan (sa pagsasalaysay ng Saheeh Muslim, “Sunugin ang mga tahanan ng sinumang mga tao na nagsasagawa ng kanilang fardh na salah sa tahanan nang walang dahilan”).
3. Pagsikapan ng husto na isagawa ang bawat salaah kasabay ang takbeeratul ihraam (sumali sa salaah mula sa pinakaunang takbeer).
4. Tiyakin na ang iyong katawan, pananamit at ang lugar kung saan ka magsasagawa ng salaah ay malinis.
5. Bago simulan ang salaah, siguraduhin na ang iyong pananamit ay disente at maluwag. Iwasan ang pagsusuot ng damit na hindi naaayon sa paggalang at kabanalan ng salaah, at pananamit na may mga larawan o inskripsiyon.
6. Siguraduhin na isagawa ang salaah na may kupya/tutub dahil ito ay sunnah na gawain ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at ng Sahaabah radhiyallahu anhum na nagsasagawa ng salaah habang nakasuot ng kupya/tutub.
روي عن ابن عباس رضي الله عنهما أن رسول الله صلى الله عليه وسلم كان يلبس القلانس تحت العمائم ويلبس العمائم بغير القلانس (جمع الوسائل صـ 207)
Si Sayyiduna Abdullah bin Abbaas radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nakasuot ng kupya/tutub sa ilalim ng turban, at kung minsan, siya sallallahu alayhi wasallam ay nakasuot ng turban nang walang kupya/tutub (sa ilalim nito).
قال الحسن كان القوم يسجدون على العمامة والقلنسوة (صحيح البخاري 1/56)
Si Sayyiduna Hasan Basri rahimahullah ay nagsabi, “Ang mga Sahaabah radhiyallahu anhum ay nag susujud sa salah ng may turban/imamah at may kupya/turub.”