1. Kapag magsagawa ng salaah, tumayo at humarap sa qiblah.
2. Kapag tatayo para sa salaah, tumayo nang may lubos na paggalang. Iharap ang magkabilang paa patungo sa qiblah at panatilihing humigit-kumulang isang dangkal ng kamay ang pagitan nila. Kapag nagsasagawa ng salaah sa kongregasyon, ituwid ang mga saff (mga hanay) at tumayo nang malapit sa isa’t isa hangga’t maaari, nang hindi nag-iiwan ng anumang puwang sa pagitan. Ang mga paa ay hindi dapat magkahiwalay sa paraan na ang mga daliri ng paa ng isang tao ay dumampi sa mga daliri ng paa ng susunod na tao.
3. Pagkatapos, isagawa ang intensyon ng salaah na iyong itatayo at itaas ang iyong mga kamay hanggang ang iyong mga hinlalaki ay nasa linya ng mga earlobe at ang mga dulo ng iyong mga daliri ay nakahanay sa itaas na bahagi ng iyong mga tainga.
4. Kailangang kailangan ang pagbigkas ng takbeer sa paraang maririnig mo ang iyong sarili.
5. Simulan ang takbeer (Allahu Akbar) sa pagtataas ng iyong mga kamay at tapusin ang takbeer sa pagtiklop ng mga kamay.
6. Kapag itinataas ang mga kamay sa tenga, tiyaking nakaharap ang mga palad sa qibla at bahagyang magkahiwalay ang mga daliri sa isa’t isa. Ang mga kamay ay dapat na nakahantad kapag itinataas ang mga ito (ibig sabihin, hindi ito dapat itago sa manggas, sa balabal, atbp.).
10. Kapag sinumulan mo na ang iyong salaah, bigkasin nang tahimik ang Dua-ul Istiftaah:
وَجَّهْتُ وَجْهِيَ لِلَّذِيْ فَطَرَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ حَنِيْفًا مُسْلِمًا وَمَا أَنَا مِنَ الْمُشْرِكِيْنَ إِنَّ صَلَاتِيْ وَنُسُكِيْ وَمَحْيَايَ وَمَمَاتِيْ لِلّٰهِ رَبِّ الْعَالِمِيْنَ لَا شَرِيْكَ لَهُ وَبِذلِكَ أُمِرْتُ وَأَنَا مِنَ الْمُسْلِمِيْنَ
Ibinabaling ko ang aking mukha sa Isang lumikha ng mga langit at lupa, habang nananatili sa tamang landas nang walang anumang paglihis, sa ganap na pagpapasakop, at hindi ako kabilang sa mga nag-uukol ng katambal kay Allah ta’ala. Katotohanan, ang aking salaah, ang aking mga ritwal, ang aking buhay at ang aking pagkamatay ay para sa Allah ta’ala, ang Rabb ng mga daigdig. Siya ay walang katambal, at ito ang ipinag-utos sa akin, at ako ay mula sa mga sumusuko (kay Allah ta’ala)
11. Bigkasin ang Ta’awwudh. Ang Ta’awwudh ay bigkasin ang:
أَعُوْذُ بِاللهِ مِنَ الشَّيْطَانِ الرَّجِيْم
Humingi ako ng proteksyon kay Allah ta’ala mula sa isinumpang Shaitaan.
Tandaan: Ang Dua-ul Istiftaah at Ta’awwudh ay bibigkasin ng munfarid (ang taong nagsasagawa ng salaah nang mag-isa) gayundin ng imaam at muqtadi (ang sumusunod sa imaam).
12. Pagkatapos noon ay simulan ang qiraat/pagbasa ng Surah Faatihah na sinusundan ng isang surah o anumang bahagi ng Quraan Majeed. Bago simulan ang pagbigkas ng surah faathihah, bigkasin ang tasmiyah dahil ito ay bahagi ng surah faatihah. Ang Tasmiyah ay pagbigkas ng:
بِسْمِ اللهِ الرَّحْمٰنِ الرَّحِيْم
Sa ngalan ng Allah ta’ala, ang pinakamaawain, ang pinaka mahabagin.
Tandaan: Kung ikaw ang imaam, bigkasin ang tasmiyah nang malakas sa lahat ng jahri salaah (salaah kung saan ang qiraat ay binibigkas nang malakas)
13. Sa pagtatapos ng Surah Faatihah, dapat mong sabihin ang “aameen”. Kung ikaw ay nagsasagawa ng salaah sa likod ng imaam, kapag natapos na ang imaam sa Surah Faatihah, dapat mong sabihin ang “aameen” nang malakas. Dapat ding sabihin ng imaam ang “aameen” nang malakas.
14. Kung sisimulan mo ang isang surah pagtapos bigkasin ang Surah Faatihah, dapat mong bigkasin ang tasmiyah bago simulan ang surah. Kung ikaw ang imaam sa isang jahri salaah, pagkatapos ay bigkasin ang tasmiyah nang malakas.
Tandaan: Kung ikaw ay isang muqtadi sa isang jahri salaah (salaah kung saan ang qiraat ay binabasa nang malakas), pagkatapos ay bigkasin lamang ang Surah Faatihah sa likod ng imaam. Hindi ka dapat bumigkas ng anumang surah pagkatapos bigkasin ang Surah Faatihah. Bigkasin ang Surah Faatihah sa saktah ng imaam yun ay kapag natapos na ng imaam sa pagbigkas ng Surah Faatihah.
Kung ikaw ay isang muqtadi sa isang tahimik na salaah, bigkasin ang Surah Faatihah sa pagsisimula ng salaah na sinusundan ng isang surah o anumang bahagi ng Quraan Majeed.