Ang Mga Tanyag na mga Sahabah ng (Rasulullah Sallallaahu Alayhi wa Sallam)

Ang Malalim na Pagmamahal at Pag-alala ni Sayyiduna Umar (radhiyallahu ‘anhu) kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam)

Isang gabi, sa panahon ng kanyang khilafah, si Sayyiduna Umar (radhiyallahu ‘anhu), ay nasa kanyang pagpapatrolyo nang makakita siya ng liwanag at nakarinig ng tunog na nagmumula sa isang tahanan. Natagpuan niya ang isang matandang babae sa loob nito na iniikot ang lana at kumakanta ng mga sumusunod na mga couplet:

عَلَى مُحَمَّدٍ صَلَاةُ الْأَبْرَارْ ** صَلَّى عَلَيْكَ الْمُصْطَفَوْنَ الْأَخْيَارْ

“Nawa’y ang mga banal ay patuloy na magpadala ng mga pagbati kay Muhammad (sallallahu ‘alaihi wasallam)! Nawa’y ang pinakamahusay at pinakapiling mga lingkod ni Allah Ta’ala ay bumigkas ng Salawat sa iyo (O Muhammad (sallallahu ‘alaihi wasallam))!

قَدْ كُنْتَ قَوَّامًا بَكِيَّ الْأَسْحَارْ

“O Sugo ng Allah (sallallahu ‘alaihi wasallam), ikaw ay nakatayo sa pagsamba tuwing gabi, at ikaw ay umiyak (sa dua para sa ummah) bago ang bukang-liwayway ng bawat araw.

يَا لَيْتَ شِعْرِي وَالْمَنَايَا أَطْوَارْ ** هَلْ تَجْمَعُنِي وَحَبِيبِي الدَّار

“Kung alam ko lang kung magkakasama ko ba ang aking minamahal (sallallahu ‘alaihi wasallam) sa Kabilang Buhay, dahil ang kamatayan ay dumarating sa iba’t ibang estado, at hindi ko alam kung paano ako mamamatay.”

Nang marinig ang mga talaya na ito, napa-upo si Sayyiduna Umar (radhiyallahu ‘anhu), at napa-iyak sa pagmamahal at pag-alala kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam). (Az-Zuhd War Raqaaiq Libnil Mubaarak #1024)

Suriin din ang

Ang Mga Tanyag na mga Sahabah ng (Rasulullah Sallallaahu Alayhi wa Sallam)

Ang Pagmamahal ni Sayyiduna Abu Bakr Siddeeq (radhiyallahu ‘anhu) para kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi …