Bagaman masidhing hangarin ni Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alayhi wasallam) na ang mga kalalakihan ng kanyang Ummah ay magsagawa ng kanilang salaah nang kasama ang jamaah sa masjid, hangarin naman ng kanyang puso na ang mga kababaihan ng kanyang Ummah ay magsagawa ng kanilang salaah sa loob ng kanilang mga tahanan.
Hinikayat ni Sayyiduna Rasulullah (sallallahu alayhi wasallam) ang mga kababaihan na isagawa ang kanilang salaah sa loob ng kanilang mga tahanan at manatiling nakatago mula sa paningin ng mga kalalakihan; anupat kanyang sinabi, “Ang salaah ng isang babae sa kanyang silid-tulugan ay higit na may gantimpala kaysa sa kanyang salaah sa nakukulong na patyo ng kanyang bahay, at ang kanyang salaah sa pinakaloob na bahagi ng silid-tulugan (isang maliit na silid sa loob mismo ng silid-tulugan) ay higit na may gantimpala kaysa sa kanyang salaah sa mismong silid-tulugan.”
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo