24. Dapat mag-iftaar (pagtapos ng pag-aayuno) agad sa pagka lubog ng araw.
عن سهل رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم لا يزال الناس بخير ما عجلوا الفطر (سنن الترمذي، الرقم: 699)
Ang Hazrat Sahl radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang mga tao ay patuloy na mananatili sa kabutihan hangga’t sila ay agad tinatapos ang kanilang pag-aayuno.”
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم قال الله تعالى أحب عبادي إلي أعجلهم فطرا (سنن الترمذي، الرقم: 700)
Si Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi na ang Allah ta’ala ay nagsabi, “Ang mga alipin na pinakamamahal sa Aking paningin ay yaong mga nagmamadali sa pagtapos ng kanilang pag-aayuno sa oras ng iftaar.”
25. Ang pinakamabuting pagtapos ng pag-aayuno ay pagkain ng Dates. Kung walang Dates, ang sunod na pinakamabuti ay tubig.
عن سلمان بن عامر قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا أفطر أحدكم فليفطر على تمر فإنه بركة فإن لم يجد تمرا فالماء فإنه طهور (سنن الترمذي، الرقم: 658)
Si Salmaan bin Aamir radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyidina Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sa oras ng iftaar, dapat tapusin ng tao ang kanyang pag-aayuno sa pamamagitan ng dates dahil ang mga ito ay puno ng mga pagpapala, at kung ang tao ay walang dates, dapat siyang uminom ng tubig dahil ito ay isang paraan ng paglilinis.”
عن أنس قال كان النبي صلى الله عليه وسلم يفطر قبل أن يصلي على رطبات فإن لم تكن فتميرات فإن لم تكن تميرات حسى حسوات من ماء (سنن الترمذي، الرقم: 696)
Iniulat ni Anas radhiyallahu anhu na ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay tinatapos ang kanyang pag-aayuno gamit ang mga sariwang dates bago isagawa ang Maghrib Salaah. Kung walang mga sariwang dates, kung gayon ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay tinatapos ang kanyang pag-aayuno gamit ang mga tuyong dates. Kung walang tuyong dates, ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay tinatapos ang kanyang pag-aayuno sa pamamagitan ng ilang higop ng tubig.
26. Dapat bigkasin ng isang tao ang sumusunod na du’a pagkatapos ng pag-aayuno:
اَللّٰهُمَّ لَكَ صُمْتُ وَعَلٰى رِزْقِكَ أَفْطَرْتُ فَتَقَبَّلْ مِنِّيْ إِنَّكَ أَنْتَ السَّمِيْعُ العَلِيْم
O Allah, ako ay nag-aayuno para lamang sa Iyo, at sa pamamagitan ng Iyong biyaya ay tinapos ko ang aking pag-aayuno, kaya tanggapin mo ang pag-aayuno na ito mula sa akin. Tunay na Ikaw ay nakakarinig ng lahat at nakakaalam ng lahat.
ذَهَبَ الظَّمَأُ وَابْتَلَّتِ الْعُرُوْقُ وَثَبَتَ الْأَجْرُ إِنْ شَاءَ اللّٰهُ
(Ang aking) pagkauhaw ay napawi, at ang mga ugat ay nabasa at ang gantimpala ay nakuha (mula sa Allah ta’ala) Insha-Allah.