1. Sunnah na bigkasin ang Qunoot sa ikalawang rakaat ng Fajr Salaah. Ang Qunoot ay babasahin sa ikalawang rakaat kapag ang isa ay tumayo pagkatapos ng ruku. Ang isa ay unang magbigkas ng tahmeed at pagkatapos ay magbabasa ng Qunoot.
2. Kapag bibigkasin ang Qunoot, itataas ang mga kamay kapantay sa kanyang dibdib katulad sa pagtaas ng mga mga kamay sa dibdib kapag nagdudua pagkatapos ng Salaah. Gayunpaman, hindi ipapasa ang mga kamay sa kanyang mukha pagkatapos ng Qunoot.
Ang Qunoot ng Fajr Salaah ay:
اَللّٰهُمَّ اهْدِنِيْ فِيْمَنْ هَدَيْتَ وَعَافِنِيْ فِيْمَنْ عَافَيْتَ وَتَوَلَّنِيْ فِيْمَنْ تَوَلَّيْتَ وَبَارِكْ لِيْ فِيْمَا أَعْطَيْتَ وَقِنِيْ شَرَّ مَا قَضَيْتَ إِنَّكَ تَقْضِيْ وَلَا يُقْضٰى عَلَيْكَ إِنَّهُ لَا يَذِّلُّ مَنْ وَّالَيْتَ وَلَا يَعِزُّ مَنْ عَادَيْتَ تَبَارَكْتَ رَبَّنَا وَتَعَالَيْتَ فَلَكَ الْحَمْدُ عَلٰى مَا قَضَيْتَ أَسْتَغْفِرُكَ وَأَتُوْبُ إِلَيْكَ وَصَلّٰى اللهُ عَلٰى النَّبِيِّ وآلِهِ
O Allah ta’ala, patnubayan Mo ako kasama ng mga pinatnubayan Mo, bigyan mo ako ng kagaanan katulad ng mga pinagkalooban Mo ng kaginhawahan, pangalagaan Mo ang aking mga gawain (at suportahan Mo ako) kasama ng mga inalagaan Mo (at itinaguyod sila), bigyan Mo ako ng barakah (mga pagpapala) sa ibinigay Mo sa akin, iligtas mo ako sa kapahamakan na iyong itinakda. Katotohanan, Ikaw lamang ang nagpapasya (sa mga gawain ng lahat) at walang sinuman ang nagpapasya laban sa Iyo. Ang sinumang nasa ilalim ng Iyong proteksyon, ay hindi mapapahiya, at ang mga kinuha Mo bilang Iyong kaaway ay hindi kailanman magkakaroon ng karangalan. Aming Rabb, Ikaw ay puno ng mga pagpapala at Kataas-taasan. Ang lahat ng papuri ay para sa Iyo lamang sa mga desisyon na Iyong ginawa. Ako ay humihingi sa Iyo ng kapatawaran at ako ay bumaling sa Iyo sa pagsisisi at nawa’y ang mga pagpapala ng Allah ta’ala ay ibuhos kay Nabi sallallahu alayhi wasallam at sa kanyang pinagpalang sambahayan.
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo