Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 17

22. Hindi pinahihintulutang tanggalin ang anumang bagay mula sa musjid na ibinigay bilang waqf para sa musjid.

23. Ang bawat musalli ay may pantay na karapatan sa paggamit ng musjid at mga bagay nito. Kaya naman, hindi pinahihintulutan para sa isa na magreserba ng anumang lugar o bagay ng musjid para sa kanyang sarili sa paraang hindi niya pinapayagan ang iba na gamitin ang bagay o lugar na iyon.

عن عبد الرحمن بن شبل رضي الله عنه قال نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن نقرة الغراب وافتراش السبع وأن يوطن الرجل المكان في المسجد كما يوطن البعير (سنن أبي داود، الرقم: 862)

Si Sayyiduna Abdur Rahmaan bin Shibl radhiyallahu anhu ay nag-ulat, “Ipinagbawal ni Rasulullah sallallahu alayhi wasallam (ang pagsagawa ng sajdah tulad ng) pagtusok ng uwak (yoon ay pagsagawa ng sajdah nang napakabilis), at pagkalat ng mga bisig sa lupa (sa pag sajdah) sa paraan ng pag-upo ng mandaragit na hayop, at paglalaan ng lugar para sa sarili (sa musjid) tulad na pag reserba ng kamelyo ng isang lugar para sa sarili nito.”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 14

19. Huwag pilitin ang iyong sarili sa unang saff/linya kung walang sapat na espasyo, sa …