Ang Resulta ng Pagtitipon na Walang Zikr at Salawat

عن جابر قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: ما اجتمع قوم ثم تفرقوا عن غير ذكر الله وصلاة على النبي صلى الله عليه وسلم إلا قاموا عن أنتن جيفة (مسند أبي داود الطيالسي، الرقم: 1863، ورواته ثقات كما في إتحاف الخيرة المهرة، الرقم: 6062)

Si Hazrat Jaabir radhiyallahu anhu ay nag-ulat na ang Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sa tuwing ang isang grupo ng mga tao ay nagtitipon, at pagkatapos noon ay nagtapos kanilang pagtitipon at umalis sila nang hindi naaalala ang Allah ta’ala o nagpadala ng Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa pagtitipon, ito ay para bang sila ay nagtipon sa paligid ng isang mabahong bangkay at pagkatapos ay umalis (yun ay ang pagtitipon na walang pag-alala kay Allah ta’ala at walang Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay napakasamang pagtitipon na ito ay inihambing sa isang mabahong bangkay na walang sinumang gustong lumapit) .”
Pag-abot sa Matataas na Posisyon sa pamamagitan ng Pagsusulat ng Maraming Salawat 

Si Sayyiduna Ja’far bin Abdullah rahimahullah ay nagsalaysay: Sa isang pagkakataon, nakita ko si Imaam Abu Zur’ah rahimahullah (isang tanyag na iskolar ng Hadith) sa isang panaginip. Nakita ko siya sa langit na pinangungunahan ang mga anghel sa salaah. Tinanong ko siya, “O Abu Zur’ah, paano mo naabot ang mataas na posisyong ito ng karangalan?” Siya ay sumagot, “Sa pamamagitan ng aking kamay na ito, ako ay nagsulat ng isang milyong Ahaadith, at sa tuwing ako ay sumulat ng pinagpalang pangalan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ako ay sumulat din ng Salaat at Salaam, at ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, ‘Sinuman ang bumigkas ng Salawat sa akin ng isang beses, ang Allah ta’ala ay ipagkakaloob sa kanya ang sampung awa.’”
Ayon sa kalkulasyong ito, ito ay nangangahulugan na (sa pamamagitan ng pagsulat niya ng Salawat ng isang milyong beses), ang mga awa mula sa Allah ta’ala ay aabot sa sampung milyon sa kanya. Kung iisipin kapag ang isang awa lamang mula sa Allah ta’ala ay higit na mahalaga kaysa sa lahat ng bagay sa mundo, kung gayon gaano kapalad ang taong pinaulanan ng sampung milyong awa ng Allah ta’ala!

Suriin din ang

Pagbigkas ng Salawat pagkatapos marinig ang Azaan

• Pagkatapos ng azaan, dapat bigkasin ang Salawat kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at …