Mga Kabutihan ng Musjid – 2

2. Sinoman ang magpapatayo ng musjid para kaluguran siya ng Allah ta’ala, ang Allah ta’ala ay magtatayo ng isang palasyo para sa kanya sa Jannah.

عن عبيد الله الخولاني يذكر أنه سمع عثمان بن عفان رضي الله عنه عند قول الناس فيه حين بنى مسجد الرسول صلى الله عليه وسلم إنكم قد أكثرتم وإني سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول من بنى مسجدا لله تعالى قال بكير حسبت أنه قال يبتغي به وجه الله بنى الله له بيتا في الجنة (صحيح مسلم، الرقم: 533) وفي رواية أخرى بني له بيت أوسع منه في الجنة (مسند أحمد، الرقم: 7056)

Si Ubaidullah Khawlaani rahimahullah ay nag-ulat na narinig niya si Sayyiduna Uthmaan radhiyallahu anhu na nagsabi, noong panahon na ang mga tao ay tumutol sa kanya (na gumagawa ng malalaking pagbabago kapag pinalawak ang musjid ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, tulad ng paggamit ng kahoy na teak at inihurnong mga laryo), “Katotohanang kayo ay tumutol sa ang aking pagpapalawig ng maraming beses, samantalang narinig ko ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam na nagsabi, ‘Sinuman ang nagtayo ng musjid para sa Allah ta’ala, na naghahanap ng kaluguran ng Allah ta’ala, kung gayon ang Allah ta’ala ay magtatayo ng palasyo para sa kanya sa Jannah.’” 
Ayon pa sa isang Hadith, ang taong magtatayo ng musjid para sa Allah ta’ala ay tatanggap ng isang palasyo sa Jannah na mas malaki at mas maluwang kaysa sa musjid na kanyang itinayo.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …