Mga Sunnah at Alituntunin ng Pag-aayuno – 5

16. Tiyakin na maisagawa mo ang dalawampung rakaat na Taraaweeh tuwing gabi. Ang Taraaweeh Salaah ay isang binigyang diin na sunnah. Sa panahon ni Umar radhiyallahu anhu, ang lahat ng Sahaabah radhiyallahu anhum ay nagkaroon ng pigkakasundo sa pagsasagawa ng dalawampung rakaat na Taraaweeh. Subukang kumpletuhin ang kahit isang tamat ng Quraan Majeed sa Taraaweeh.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم من قام رمضان إيمانا واحتسابا غفر له ما تقدم من ذنبه (صحيح البخاري، الرقم: 37)

Si Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang tumayo sa Taraaweeh sa buwan ng Ramadhaan na may Imaan (ganap na paniniwala at pananampalataya) at may pag-asa ng gantimpala, ang lahat ng kanyang nakaraang (maliliit na) kasalanan ay patatawarin.”

عن أبي الحسناء أن علي بن أبي طالب أمر رجال أن يصلي بالناس خمس تروحيات عشرين ركعة – باب ما روي في عدد ركعات القيام
في شهر رمضان (السنن الكبرى للبيهقي، الرقم: 4805)

Si Abul Hasnaa rahimahullah nagsabi, “Nagtalaga si Ali radhiyallahu anhu ng isang tao na magsagawa ng dalawampung rakaat na Taraaweeh kasama ang mga tao sa panahon ng Ramadan.”

عن الأعمش عن زيد بن وهب قال كان عبد الله بن مسعود يصلي لنا في شهر رمضان فينصرف عليه ليل قال الأعمش كان يصلي عشرين ركعة ويوتر بثلاث (عمدة القاري 11/127)

Sinabi ni A’amash rahimahullah, “Sa buwan ng Ramadhaan, si Abdullah bin Mas’ood radhiyallah anhu ay namumuno sa Taraaweeh Salaah para sa mga tao. Siya ay nagsagawa ng 20 rakaat na Taraaweeh at 3 rakaat na Witr.”

روى البيهقي بإسناد صحيح انهم كانوا يقيمون على عهد عمر بعشرين ركعة وعلى عهد عثمان وعلي (عمدة القاري 5/267)

Sinabi ni Imaam Baihaqi rahimahullah, “Ang kilalang mga Sahaabah ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsasagawa ng dalawampung rakaat na Taraaweeh sa panahon ng pamumuno ni Umar radhiyallahu anhu, Uthmaan radhiyallahu anhu at Ali radhiyallahu anhu.”

17. Paramihin ang apat na gawain sa Ramadhaan:

(a) Ang pagbigkas ng kalimah ‘Laa ilaaha illallah’

(b) Istighfaar (Astaghfirullah)

(c) Paghiling na makapasok sa Jannah

(d) Paghiling ng proteksyon mula sa Jahannum

عن سلمان رضي الله عنه قال خطبنا رسول الله صلى الله عليه و سلم في آخر يوم من شعبان… واستكثروا فيه من أربع خصال خصلتين ترضون بهما ربكم وخصلتين لا غناء بكم عنهما فأما الخصلتان اللتان ترضون بهما ربكم فشهادة أن لا إله إلا الله وتستغفرونه وأما الخصلتان اللتان لا غناء بكم عنهما فتسألون الله الجنة وتعوذون به من النار (صحيح ابن خزيمة، الرقم: ١٨٨٧)

Si Salmaan radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay naghatid ng isang khutbah sa huling araw ng Sha’baan (kung saan binanggit niya), “At (sa buwang ito,) ay isagawa ang apat na gawain nang sagana. Dalawang gawain ang magpapasaya sa iyong Rabb at dalawang gawain naman ang hindi mo magagawang mawala ito sa iyo. Ang dalawang gawain na magiging kalugud-lugod sa iyong Rabb ay ang pagbigkas ng kalimah “Laa ilaaha illallah” at paghingi ng kapatawaran sa Kanya. Ang dalawang gawain na hindi mo magagawa nang wala ay ang paghingi sa Allah ta’ala ng pagpasok sa Jannah, at paghihiling ng kaligtasan mula sa apoy ng Jahannum.”

18. Mag-dua ng marami sa panahon ng Ramadan. Ang dua ng isang nag-aayuno ay madaling tanggapin, lalo na ang dua na ginagawa bago ang iftaar.

عن أبي هريرة قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم ثلاثة لا ترد دعوتهم الصائم حتى يفطر والإمام العادل ودعوة المظلوم يرفعها الله فوق الغمام ويفتح لها أبواب السماء ويقول الرب وعزتي لأنصرنك ولو بعد حين (سنن الترمذي، الرقم: ٣٥٩٨)

Si Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “May tatlong tao na ang mga dua nila ay hindi tinatanggihan (ng Allah); ang taong nag-aayuno hanggang sa siya ay makatapos sa kanyang pag-aayuno, ang makatarungang pinuno, at ang dasal ng mga inaapi na itinataas ng Allah ta’ala sa itaas ng mga ulap at kung saan Kanyang binubuksan ang mga pintuan ng kalangitan. Ang Allah ta’ala ay nagsabi, ‘Sinusumpa ko sa Aking karangalan, talagang tutulungan Ko kayo, kahit na ito ay maaaring makalipas ang ilang panahon.’”

عن عمرو بن شعيب عن أبيه عن جده قال سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول للصائم عند إفطاره دعوة مستجابة وكان عبد الله بن عمرو إذا أفطر دعا أهله وولده ودعا (شعب الايمان، الرقم: ٣٦٢٤)

Si Abdullah bin Amr radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sa oras ng iftaar, ang mga du’a ng taong nag-aayuno ay tinatanggap.” Kaya naman, si Abdullah bin Amr radhiyallahu anhu ay kanyang tinatawag ang kanyang pamilya at mga anak sa oras ng iftaar at sila ay nagdudua.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …