Pagkakaroon ng Espesyal na Kalapitan kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa Araw ng Qiyaamah

Pagkakaroon ng Espesyal na Kalapitan kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa Araw ng Qiyaamah

عن أبي أمامة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه و سلم أكثروا علي من الصلاة في كل يوم جمعة فإن صلاة أمتي تعرض علي في كل يوم جمعة فمن كان أكثرهم علي صلاة كان أقربهم مني منزلة (شعب الإيمان، الرقم: 2770، وإسناده حسن كما في الترغيب والترهيب، الرقم: 2583)

Si Sayyiduna Abu Umaamah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Bigkasin mo ang masaganang Salawat sa akin tuwing Jumuah, sapagkat tiyak na ang Salawat ng aking Ummah ay inihaharap sa akin tuwing Jumuah. Ang sinumang bumigkas ng pinakamaraming Salawat sa akin ay ang pinakamalapit sa akin (sa araw ng Qiyaamah).”

Pagkaligtas sa Di-kanaisnais na Kamatayan dahil sa Masaganang Durood

Sa librong “Nuzhatul Majaalis”, ang sumusunod na pangyayari ay naisulat:

Minsan, binisita ng isang lalaki ang isang taong may malubhang karamdaman noong siya ay malapit ng mamatay. Tinanong niya ang maysakit, “Paano mo nasusumpungan ang mapapait na sakit ng kamatayan sa sandaling ito ng pag-alis?” Sagot niya, “Wala akong nararamdamang anumang dikanaisnais. Narinig ko na binanggit ng mga Ulama na ang sinumang bumibigkas ng masaganang Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay masusumpungan ang kanyang sarili na ligtas mula sa kahirapan ng kamatayan sa sandali ng pagpanaw.” (Fazaail-e-Durood pg. 181)

Suriin din ang

Pagbigkas ng Salawat pagkatapos marinig ang Azaan

• Pagkatapos ng azaan, dapat bigkasin ang Salawat kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at …