Mga Sunnah at Alituntunin ng Pag-aayuno – 3

8. Sa paglapit ng Ramadan at sa panahon din ng Ramadan, dapat bigkasin ang sumusunod na dua:

اَللّهُمَّ سَلِّمْنِيْ لِرَمَضَان وَ سَلِّمْ رَمَضَانَ لِيْ وَسَلِّمْهُ لِيْ مُتَقَبَّلًا

O Allah! Ingatan mo ako para sa buwan ng Ramadhaan (sa pamamagitan ng pagpapakita sa akin ng buwan ng Ramadan na malusog at maayos upang ako ay makakuha ng pinakamataas na benepisyo mula dito), at pangalagaan Mo ang buwan ng Ramadan para sa akin (sa pamamagitan ng paggawa ng mga kondisyon dito na makayanan kong gawin ang pinaka makakabenepisyo mula dito), at tanggapin Mo ito mula sa akin.

عن عبادة بن الصامت قال: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم يعلمنا هؤلاء الكلمات إذا جاء رمضان اللهم سلمني لرمضان وسلم رمضان لي وسلمه لي متقبلا. رواه الطبرناني في الدعاء والديلمي وسنده حسن. (كنز العمال، الرقم: 24277)

Si Ubaadah bin Saamit radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay tinuturuan ang mga Sahaabah radhiyallahu anhum na banggitin ang dua na ito sa paglapit ng Ramadhaan:

9. Gawing ugali ang pagsasagawa ng mga mabubuting gawain sa buwan ng Ramadhaan at iwasan ang pagsasagawa ng masasamang gawain at kasalanan.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا كان أول ليلة من شهر رمضان صفدت الشياطين ومردة الجن وغلقت أبواب النار فلم يفتح منها باب وفتحت أبواب الجنة فلم يغلق منها باب وينادي مناد يا باغي الخير أقبل ويا باغي الشر أقصر ولله عتقاء من النار وذلك كل ليلة (سنن الترمذي، الرقم: 682)

Si Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Kapag ang unang gabi ng Ramadhaan ay pumasok, ang mga shayaateen at mapanghimagsik na jinn ay nakakadena, ang mga pintuan ng Jahannam ay isinasara at saganon walang ibang pintuan ng Jahannam ang mananatiling nakabukas pagkatapos nun (sa kapanahonan ng Ramadhaan), ang mga pintuan ng Jannah ay nabubuksan at saganon walang ibang pintuan ng Jannah ang mananatiling nakasara pagkatapos nun (sa kapanahonan ng Ramadan), at may isang likha ang tumatawag at nagpapahayag, ‘O kayong mga naghahanap ng kabanalan at kabutihan, hali na kayo! O kayong mga naghahanap ng kasamaan, pigilin niyo ang inyong sarili (mula sa iyong kasamaan)!’ At papalayain ng Allah ta’ala ang maraming kaluluwa mula sa apoy ng Jahannum, at ito ay nangyayari tuwing gabi sa buong buwan ng Ramadhaan.”

10. Kung ikaw ay makakapagbigay ng pa-iftar para sa isang nag-aayuno, dapat mong gawin ito, kahit na ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng kurma/Dates para sa kanyang pag-aayuno.

عن زيد بن خالد الجهني قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم من فطر صائما كان له مثل أجره غير أنه لا ينقص من أجر الصائم شيئا (سنن الترمذي، الرقم: 807، وقال: هذا حديث حسن صحيح)

Si Zaid Bin Khaalid Al-Juhani radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang nagbibigay ng pa-iftar para sa isang nag-aayuno, siya ay tatanggap ng kaparehong gantimpala gaya ng natatanggap niya (na nag-ayuno), nang hindi nababawasan ang gantimpala ng nag-aayuno sa anumang paraan.”

11. Gumugol ng oras sa piling ng mga banal na lingkod ng Allah ta’ala upang makakuha ng pinakamataas na benepisyo mula sa buwang ito.

12. Iwasan ang anumang bagay na haraam o kahit ang nakakadudang gawain, maging ito ay kahina-hinalang pagkain, kilos, pahayag, atbp.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …