Ang Labis na pagmamahal ng Sahaabah (radhiyallahu ‘anhum) para kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam)

Ang Labis na pagmamahal ng Sahaabah (radhiyallahu ‘anhum) para kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam)

Minsan, may isang tao ang lumapit kay Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam) at nagsabi, “O Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam)! Ang pagmamahal ko sa iyo ay labis labis na kapag naiisip kita, nalulula ako sa iyong pagmamahal, hanggang sa hindi ako napapakali hangga’t hindi kita nakikita. O Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam), minsan na sumasagi sa aking isipan na kung papalarin ako ni Allah na makapasok sa paraiso, mahirap kitang makita roon, dahil ikaw ay mapupunta sa napakataas na posisyon, at ako ay aabot doon (kaya papaano kaya ako mananatili doon ng wala ka?).”

Si Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam) ay umaliw sa kanya sa pamamagitan ng pagbigkas ng mga sumusunod na talata bilang tugon:

وَ مَنۡ یُّطِعِ اللّٰه وَ الرَّسُوۡلَ فَاُولٰٓئِکَ مَعَ الَّذِیۡنَ اَنۡعَمَ اللّٰه عَلَیۡهمۡ مِّنَ النَّبِیّينَ وَ الصِّدِّیۡقِیۡنَ وَ الشُّهدَآءِ وَ الصّٰلِحِیۡنَ ۚ وَ حَسُنَ اُولٰٓئِکَ رَفِیۡقًا

Ang lahat ng mga sumusunod sa Allah Ta’ala at sa Sugo ay makakasama ng mga yaong pinagkalooban ng Biyaya ng Allah Ta’ala; ang Ambiyaa (‘alaihimus salaam), ang Siddeeqeen, ang mga martir, at ang mga matutuwid, at gaano kahusay ang mga taong ito bilang mga kasama! (Surah Nisaa v.69)

Suriin din ang

Ang Mga Tanyag na mga Sahabah ng (Rasulullah Sallallaahu Alayhi wa Sallam)

Ang Pagkabalisa ng Isang Babaeng Ansaari tungkol sa Sayyiduna Rasulullah (sallallahu ‘alaihi wasallam) Sa labanan …