Si Shaikh Abul Khair Aqta’ rahimahullah ay nagsabi: Nang ako ay dumating sa Madinah Tayyibah at nagpalipas ng limang araw doon, nakaranas ako ng kahirapan at pagdurusa. Kaya’t ako ay pumunta sa mubaarak na libingan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at binati siya, at gayundin sa mga libingan nina Abu Bakr at Umar radhiyallahu anhuma. Pagkatapos ay sinabi ko kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam , “O Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ngayon gusto kong maging panauhin mo.”
Pagkatapos noon, umalis ako sa lugar na iyon at natulog sa likod ng mimbar. Sa isang panaginip, nakita ko si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam kasama si Abu Bakr radhiyallahu anhu sa kanyang kanan, at si Umar radhiyallahu anhu sa kanyang kaliwa, at si Ali radhiyallahu anhu sa kanyang harapan. Lumapit sa akin si Ali radhiyallahu anhu at nagsabi, “Bumangon ka, dumating na ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam.” Dali-dali akong bumangon mula sa aking pinagpahingahan at hinalikan si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa pagitan ng kanyang mga mata. Binigyan niya ako ng tinapay, kung saan kinain ko ang kalahati at itinago ang kalahati. Nang magising ako mula sa panaginip, nasa kamay ko pa rin ang kalahati ng tinapay.
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo