Minsan ay nakita ng isang tao si Abu Hafs Al-Kaaghazi rahimahullah, na isang napaka-diyos na tao, sa isang panaginip pagkatapos ng kanyang pagpanaw. Nang makita niya si Abu Hafs rahimahullah, siya ay nagtanong sa kanya, “Paano ka pinakitunguhan ng Allah ta’ala?” Sumagot si Abu Hafs rahimahullah, “Si Allah ta’ala ay naawa sa akin, pinatawad ako at pinasok ako sa Jannah.” Nang tanungin si Abu Hafs rahimahullah kung bakit siya pinarangalan at biniyayaan sa ganitong paraan, sinabi niya, “Nang tumayo ako sa harapan ng Allah ta’ala, inutusan Niya ang mga anghel na simulan ang pagbilang ng aking mga gawa. Sa gayon ay binilang nila ang aking mga kasalanan at binilang ang aking Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, at nalaman na ang aking Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay mas marami kaysa sa aking mga kasalanan. Pagkatapos ay sinabi ng Allah ta’ala sa mga anghel, ‘O Aking mga anghel! Ito ay sapat na. Huwag niyo siyang panagotin sa kanyang mga kasalanan at papasukin niyo na siya sa aking Jannah/paraiso.”
Alislaam Pagsusumikap na Buhayin ang Relihiyong Islam ng Buong buo