Naisalaysay na si Abu Muhammad, Abdullah Al-Mowsili rahimahullah, na kilalang-kilala sa pamagat na ‘Ibnul Mushtahir’ at isang banal na tao, ay nagbanggit ng mga sumusunod:
“Sinuman ang nagnanais na purihin ang Allah ta’ala sa paraang higit na mahusay kaysa sa anumang nilikha ng Allah ta’ala na kailanman ay nagpuri sa Kanya, mula sa mga taong nauna at mga darating, ang malalapit na mga anghel at mga naninirahan sa langit at lupa, at nais niyang magpadala ng mga pagbati kay Nabi Muhammad ﷺ sa paraang higit na mahusay kaysa sinumang nakaalala sa kanya (at nagpadala ng mga pagbati sa kanya), at nais niyang humiling sa Allah ta’ala ng bagay na higit na mahusay na paraan ng paghiling kay Allah ta’ala,kung ganon ay dapat niyang bigkasin ang sumusunod:
اَللّٰهُمَّ لَكَ الْحَمْدُ كَمَا أَنْتَ أَهْلُهُ فَصَلِّ عَلٰى مُحَمَّدٍ كَمَا أَنْتَ أَهْلُهُ وَافْعَلْ بِنَا مَا أَنْتَ أَهْلُهُ فَإِنَّكَ أَهْلُ التَّقْوٰى وَأَهْلُ الْمَغْفِرَةِ
O Allah ta’ala! Sa Iyo lamang ang lahat ng papuri na nararapat sa Iyo, kaya magpadala Ka ng mga pagbati kay Muhammad ﷺ na nararapat sa Iyo, at pakikitungo Mo kami ayon sa nararapat sa Iyo, dahil Ikaw ay tunay na Panginoon na higit na karapat-dapat katakutan at ang Panginoon na higit na karapat-dapat na patawarin ang Kanyang mga lingkod.