عن أبي هريرة قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من صلى علي في كتاب لم تزل الملائكة تستغفر له ما دام اسمي في ذلك الكتاب (المعجم الأوسط للطبراني، الرقم: 1835، وسنده ضعيف كما في كشف الخفاء، الرقم: 2518)
Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang magbigkas ng Salawat sa akin sa pamamagitan ng pagsulat ng Salawat sa isang kitaab, ang mga anghel ay patuloy na humihingi ng kapatawaran para sa kanya hangga’t ang aking pangalan ay nananatili sa kitaab na iyon.”
Isang Paraan ng Pagkamit ng Pagkalugod ni Allah ta’ala
Nabanggit na minsan, may isang dakilang Aalim na isa ring khalifah ng Shaikhul Hadith, Moulana Muhammad Zakariyya rahimahullah , siya ay pumunta kay Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah at nagsabi sa kanya, “Hazrat! Ang pakiramdam ko na ang Allah ta’ala ay hindi nasisiyahan sa akin. Mangyaring ipakita mo sa akin ang isang paraan na ang Allah ta’ala ay masisiyahan sa akin.”
Sumagot si Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah , “Sino ako? Ako ang pinakamababang alipin ng Allah Ta’ala! Paano ko maipapakita sa iyo ang isang paraan upang ayusin ang iyong kaugnayan kay Allah Ta’ala ?” Ang Aalim ay tumugon, “Pakisabi sa akin ang isang paraan! Ikaw ay dalubhasa sa Ahaadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, at biniyayaan ka ng Allah ta’ala ng malaking kaalaman at taqwa.”
Sumagot si Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah , “Sa pagkakaintindi ko, kung magagawa mong pasiyahin yung nananatili sa Madinah Munawwarah (yun ay mapasiya mo ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam), kung gayon ang Allah ta’ala ay magiging masaya sa iyo.”
Ang tao ay nagtanong kay Shaikh Yunus rahimahullah na ipaliwanag pa kung paano niya magagawang pasayahin ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Ipinaliwanag ni Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah, “Kailangan mong gawin ang dalawang bagay:
1. Bigkasin ang masaganang Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam
2. Pagsikapang maigi ang paghahanap ng iba’t ibang mga sunnat ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at isagawa ang mga ito. Kahit na hindi na kailangang gawin ang isang tiyak na sunnah na gawain, isagawa pa rin ang sunnah. Halimbawa, hindi mo kailangang uminom ng tubig, sinasadya mo pa ring umupo at uminom ng tubig, upang ikaw ay makasagawa ng sunnah ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Insha Allah, sa pamamagitan ng pagsasanay ng dalawang bagay na ito, ang Allah ta’ala ay magiging masaya sa iyo.
Ang dahilan nito ay ang Allah ta’ala ay binanggit sa Quraan Majeed:
“Sabihin mo (O Muhammad sallallahu alayhi wasallam)! Kung mahal mo ang Allah ta’ala, sumunod kayo sa akin (ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam), upang mahalin ka ng Allah ta’ala at papatawarin Niya ang iyong mga kasalanan.”
Makalipas ang isang buwan, ang Aalim ay muling lumapit kay Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah at hinalikan ang kanyang mga kamay na nagsasabing, “Si Allah ta’ala ay nalulugod na sa akin!”
Si Shaikh Yunus Jonpuri rahimahullah ay nagtanong, “Paano mo ngayon nalaman na si Allah ta’ala ay nalulugod sa iyo, at dati, paano mo nalaman na si Allah ta’ala ay hindi nasisiyahan sa iyo?”
Sumagot siya, “Noon, hindi ako makakahanap ng motibasyon at sigasig na magsagawa ng salaah, at hindi ako mahanap ng anumang kasiyahan kapag gumagawa ng zikr. Ang aking puso ay hindi nahuhumaling sa zikr at ang aking puso ay mananatili parang balisa o walang reaksyon. Ngayon na ang Allah ta’ala ay masaya sa akin, nakita ko ang kagustuhan at motibasyon na humihila sa akin patungo sa salaah at nakikita ko ang kasiyahan kapag gumagawa ng zikr. Katulad nito, isang napakadakila at masayang tanda na nagpapakita na ang Allah ta’ala ay masaya sa akin ay ilang araw na nakalipas, nakita ko si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa isang panaginip, at sinabi niya sa akin, “Ako ngayon ay nalulugod sa iyo.”