11. Huwag magsagawa ng anumang transaksyon ng negosyo sa musjid.
عن عمرو بن شعيب عن أبيه عن جده رضي الله عنهما قال نهى رسول الله صلى الله عليه وسلم عن تناشد الأشعار في المسجد وعن البيع والاشتراء فيه وأن يتحلق الناس يوم الجمعة قبل الصلاة في المسجد (سنن الترمذي، الرقم: 322)
Si Sayyiduna Abdullah bin Amr radhiyallahu anhu ay nag-ulat, “Ipinagbawal ni Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ang pagbigkas ng mga tula sa musjid, pagbili at pagbebenta sa musjid, at mga taong nakaupo nang nakapalibot sa loob ng musjid sa Araw ng Jumuah bago ang Salaah ng Jumuah (ang pag-upo sa ganitong paraan ay magiging dahilan ng kanilan hindi pagtuon sa naghahatid ng khutbah).”
12. Huwag gumawa ng anumang anunsyo para sa mga nawawalang bagay sa musjid.
عن أبي هريرة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم من سمع رجلا ينشد ضالة في المسجد فليقل لا ردها الله عليك فإن المساجد لم تبن لهذا (صحيح مسلم، الرقم: 568)
Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang makarinig ng isang taong nag-aanunsyo ng nawawalang bagay sa musjid, dapat niyang sabihin sa kanya, ‘Nawa’y hindi ibalik ng Allah ta’ala ang iyong nawawalang bagay.’ hindi itinayo ang mga masjid para sa layuning ito.”