Ang pagbigkas ng Salawat ng Isang Libong beses sa araw ng Jumuah

عن أنس بن مالك قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من صلى علي في يوم الجمعة ألف مرة لم يمت حتى يرى مقعده من الجنة (أخرجه ابن شاهين بسند ضعيف كذا في القول البديع صـ 397)

Ang Sayyiduna Anas radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang bumigkas ng Salawat sa akin ng isang libong beses sa araw ng Jumuah, ay hindi mamamtay hanggang sa maipakita sa kanya ang kanyang tirahan sa Paraiso.”
Si Sayyiduna Umar radhiyallahu anhu ay Pinuri sa Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam
Isinulat ng may-akda ng librong Al-Ihyaa na pagkatapos ng pagpanaw ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, si Sayyiduna Umar radhiyallahu anhu ay umiyak at nagsabi ng sumusunod: O Sugo ng Allah sallallahu alayhi wasallam, nawa’y isakripisyo ang aking mga magulang para sa iyo! Ang puno ng dates na iyong sinasandalan at iyong pinapatungan sa pag hahatid ng khutbah bago ang paggawa ng mimbar mo ay umiyak pagkatapos mong umakyat sa mimbar, nalulungkot sa iyong paghihiwalay.
Pagkatapos ay ipinasa mo ang iyong kamay sa ibabaw nito at inaliw ito. O Sugo ng Allah sallallahu alayhi wasallam! Ang iyong mga tagasunod ay may higit na dahilan para umiyak sa iyong paghihiwalay kaysa sa puno ng dates na ito (ibig sabihin, mas nangangailangan sila ng iyong pang-aliw sa iyong paghihiwalay).

O Sugo ng Allah ta’ala, nawa’y isakripisyo ang aking mga magulang para sa iyo! Ang iyong katayuan sa Allah ta’ala ay napakataas na ang iyong pagsunod ay ipinahayag na pagsunod sa Kanya. Ang Allah ta’ala ay nagsabi sa Quraan Majeed, “Siya na sumunod sa Sugo ay tunay na sumunod kay Allah.”

O Sugo ng Allah ta’ala, nawa’y isakripisyo ang aking mga magulang para sa iyo! Napakadakila mo sa paningin ng Allah ta’ala na ang iyong mga pagkakamali ay napatawad bago ka pa man lamang humingi ng kapatawaran. Kaya naman, sinabi ng Allah ta’ala sa Quraan Majeed, “Pinatawad ka ng Allah! Bakit mo sila pinahintulutan?”

Suriin din ang

Pagbigkas ng Salawat sa Gabi at Araw ng Jumuah 

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال : قال رسول الله صلى الله عليه وسلم …