عن أوس بن أوس قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: إن من أفضل أيامكم يوم الجمعة فيه خلق آدم وفيه قبض وفيه النفخة وفيه الصعقة فأكثروا علي من الصلاة فيه فإن صلاتكم معروضة علي قال: قالوا: يا رسول الله وكيف تعرض صلاتنا عليك وقد أرمت يقولون بليت فقال: إن الله عز وجل حرم على الأرض أجساد الأنبياء (سنن أبي داود، الرقم: 1047، وقال الحاكم في مستدركه، الرقم: 1029: هذا حديث صحيح على شرط البخاري ولم يخرجاه وأقره الذهبي)
Si Sayyiduna Aws bin Aws radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Kabilang sa pinakamainam sa iyong mga araw ay ang araw ng Biyernes/Jumuah. Sa araw ng Jumuah, si Aadam alayhis salam, ay nilikha, sa araw ng Jumuah, siya ay namatay, sa araw ng Jumuah, ang trumpeta ay hihipan, sa araw ng Jumuah ang lahat ng nilikha ay mawawalan ng malay at mamamatay, kaya paramihin ang inyong mga Salawat sa akin sa araw ng Jumuah dahil ang iyong Salawat ay inihaharap sa akin.” Ang mga Sahaabah radhiyallahu anhu ay nagtanong, ‘O Sugo ng Allah sallallahu alayhi wasallam! Paano ipapakita sa iyo ang aming mg Salawat, samantalang ang iyong katawan ay naagnas na sa libingan?’ Sumagot si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ‘Katotohanan, ipinagbawal ng Allah ta’ala sa lupa na kainin ang mga katawan ng Ambiyaa alayhimus salam.’”