Surah DHUHA

بِسۡمِ اللّٰهِ الرَّحۡمٰنِ الرَّحِیۡمِ

وَالضُّحٰی ۙ﴿۱﴾ وَ الَّیۡلِ  اِذَا سَجٰی ۙ﴿۲﴾ مَا وَدَّعَکَ رَبُّکَ وَ مَا قَلٰی ؕ﴿۳﴾ وَ  لَلۡاٰخِرَةُ  خَیۡرٌ لَّکَ مِنَ الۡاُوۡلٰی ؕ﴿۴﴾ وَ  لَسَوۡفَ یُعۡطِیۡکَ رَبُّکَ فَتَرۡضٰی ؕ﴿۵﴾ اَلَمۡ  یَجِدۡکَ یَتِیۡمًا فَاٰوٰی ۪﴿٦﴾ وَ وَجَدَکَ ضَآلًّا فَهدٰی ۪﴿۷﴾ وَ وَجَدَکَ عَآئِلًا فَاَغۡنٰی ؕ﴿۸﴾ فَاَمَّا الۡیَتِیۡمَ فَلَا تَقۡهرۡ ؕ﴿۹﴾ وَ اَمَّا السَّآئِلَ فَلَا تَنۡهرۡ ﴿ؕ۱۰﴾ وَ اَمَّا بِنِعۡمَةِ رَبِّکَ فَحَدِّثۡ ﴿۱۱﴾

1. (Sumpa sa) maluwalhating liwanag ng umaga,
2. At sa gabi kapag ito ay tumatahimik.
3. Ang iyong Rabb ay hindi ka pinabayaan at hindi rin Siya nagalit sa iyo.
4. At katiyakang ang Kabilang Buhay ay higit na mabuti para sa iyo kaysa sa kasalukuyan (buhay).
5. At sa lalong madaling panahon ang iyong Rabb ay pagkakalooban ka ng gayong (masaganang) mga pabor na ikalulugod mo.
6. Hindi ka ba Niya natagpuang ulila, pagkatapos ay pinagkalooban ka Niya ng tirahan?
7. At hindi ka ba Niya natagpuan na walang kamalay-malay (at walang alam), pagkatapos ay ipinakita Niya sa iyo ang daan?
8. At hindi ka ba Niya natagpuan na nangangailangan, pagkatapos ay binigyan ka Niya ng kayamanan?
9. Kaya tungkol sa ulila, kung gayon ay huwag mo siyang tratuhin nang may kabagsikan;
10. at tungkol sa pulubi, kung gayon ay huwag mo siyang itaboy;
11. at tungkol sa mga biyaya ng iyong Rabb, magpatuloy ka sa pagbanggit (ng mga ito).