عن أبي هريرة رضي الله عنه قال : قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : أكثروا الصلاة علي في الليلة الزهراء واليوم الأغر فإن صلاتكم تعرض علي (المعجم الاوسط للطبراني وسنده ضعيف لكن يتقوى بشواهده كما في القول البديع صـ 325)
Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyallahu anhu ay nag-ulat na ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Paramihin niyo ang pagbigkas ng salawat sa akin sa maliwanag na gabi ng Jumu’ah at sa nagniningning na araw ng Jumu’ah, dahil ang inyong salawat ay ipinipresenta sa akin.”
Ang Pagpapala ng Damit ng Jannah
Si Sayyiduna Sufyaan bin Uyainah rahimahullah ay nagsalaysay na si Khalaf rahimahullah ay nagsabi: Ako ay nagkaroon ng isang kaibigan na dati kong kasama sa pag-aaral ng Hadith. Pagkamatay niya, nakita ko sa panaginip na malaya siyang gumagala, nakasuot ng bagong pares ng berdeng damit. Tinanong ko siya, “Nag-aral tayo ng Hadith nang magkasama, kaya paano mo narating ang mataas na posisyong ito ng karangalan at dignidad?” Sumagot siya, “Oo, sabay tayong sumulat ng Hadith, ngunit sa tuwing nababasa ko ang pinagpalang pangalan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, sinusulat ko ang sallallahu alayhi wasallam sa ilalim. Bilang kapalit sa gawaing ito, ipinagkaloob sa akin ng Allah ta’ala ang karangalang ito na iyong nakikita.”