Pagbigkas ng Salawat sa Pagpasok at Paglabas ng Musjid

عن فاطمة رضي الله عنها قالت: كان رسول الله صلى الله عليه وسلم إذا دخل المسجد صلى على محمد وسلم وقال رب اغفر لي ذنوبي وافتح لي أبواب رحمتك وإذا خرج صلى على محمد وسلم وقال رب اغفر لي ذنوبي وافتح لي أبواب فضلك (سنن الترمذي، الرقم: 314، وحسنه)

Si Sayyidatuna Faatimah radhiyallahu anha ay nag-ulat na kapag ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay pumapasok sa musjid, una niyang binibigkas ang Salawat at pagkatapos ay binibigkas ang sumusunod na dua:

رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوْبِيْ وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ رَحْمَتِك

O aking Rabb, patawarin mo ang aking mga kasalanan at buksan mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong awa. 
Kapag ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay lumalabas ng musjid, binibigkas niya ang Salawat at pagkatapos ay binibigkas ang sumusunod na dua:

رَبِّ اغْفِرْ لِيْ ذُنُوْبِيْ وَافْتَحْ لِيْ أَبْوَابَ فَضْلِك

O aking Rabb, patawarin mo ang aking mga kasalanan at buksan mo sa akin ang mga pintuan ng Iyong mga biyaya.
 Ang Insidente ni Mulla Jaami rahimahullah 
Naisalaysay na si Mulla Jaami rahimahullah, nang matapos niya maisulat ang libring qaseedah sa pagmamahal kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, siya ay nagpasya na magpatuloy sa hajj. Ang karagdagang layunin niya ay tumayo sa harap ng Raudhah Mubaarak/Hulung Hantungan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, bibigkasin niya ang kanyang tula sa harap ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam.
Matapos magsagawa ng hajj, nang siya ay nagnais na umalis patungong Madinah Munawwarah, ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagpakita sa panaginip ng gobernador ng Makkah Mukarramah at sinabi sa kanya na hindi niya dapat pahintulutan si Mulla Jaami na makapasok sa Madinah Munawwarah. Kaya pinagbawalan siya ng gobernador na umalis patungong Madinah Munawwarah, gayunpaman ang kanyang pagmamahal at pananabik para sa Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay ganoon na lamang, sa kabila ng utos, palihim siyang nagtungo sa Madinah Munawwarah.
Muli, ang gobernador ay nakakita ng isang panaginip kung saan ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsasabi sa kanya na si Mulla Jaami ay umalis sa Makkah, at hindi niya dapat pahintulutan siyang pumunta sa Madinah Munawwarah. Sa pagkakataong ito, nagpadala ang gobernador ng ilang lalaki na sumunod sa kanya upang ibalik siya. Naabutan nila siya at pinakitunguhan siya nang malupit habang hinuhuli nila siya, at pagkatapos ay ibinilanggo siya.
Sa ikatlong pagkakataon, nagpakita si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa panaginip ng gobernador, pinagalitan siya at pinagsabihan. Sinabi sa kanya ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam na si Mulla Jaami ay hindi isang kriminal (kaya, hindi siya dapat tratuhin ng malupit). Gayunpaman, ang lahat ng kanyang ginawa ay dahil sa kanyang pagmamahal sa Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, siya ay nakagawa ng mga tula na nais niyang bigkasin sa presensya ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Sinabi ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa gobernador na kung siya ay bibigkas ng tula, kung gayon ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay kailangang iunat ang kanyang kamay upang makipagkamay kay Mulla Jaami, at ito ay magdudulot ng malaking kalituhan sa mga tao.
Pagkatapos noon, pinalaya siya ng gobernador at pinarangalan siya nang may pinakamataas na karangalan at paggalang.

Suriin din ang

Pagbigkas ng Salawat sa Pagtatagpo

10. Pagbigkas ng Salawat sa Pagtatagpo عن أنس رضي الله عنه عن النبي صلى الله …