Pagbigkas ng Sampung Salawat sa Umaga at Gabi 

Pagbigkas ng Sampung Salawat sa Umaga at Gabi 

عن أبي الدرداء قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من صلى علي حين يصبح عشرا وحين يمسي عشرا أدركته شفاعتي يوم القيامة (رواه الطبراني بإسنادين وإسناد أحدهما جيد ورجاله وثقوا كذا في مجمع الزوائد، الرقم: ١٧٠٢٢)

Si Sayyiduna Abu Dardaa radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Saayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang bumigkas ng sampung Salawat sa akin sa umaga at sampung Salawat sa akin sa sa gabi, matatanggap niya ang aking pamamagitan sa araw ng Qiyaamah.”
Ang pagbigkas ng Isang Daang Salawat pagkatapos ng Fajr at Maghrib 
Si Sayyiduba Jaabir radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayiiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang bumigkas ng isang daang Salawat sa akin kaagad pagkatapos magsagawa ng Fajr Salaah, bago magsalita, ang Allah ta’ala ay tutuparin Niya ang isang daan na pangangailangan niya. Pabibilisin ng Allah ta’ala ang katuparan ng tatlumpung pangangailangan (sa mundong ito), at pananatilihin ng Allah ta’ala ang katuparan ng pitumpu na nakalaan para sa Kabilang-Buhay, at gayundin ang mangyayari kung ang isang tao ay binibigkas ang Salawat pagkatapos ng Maghrib Salaah (yun ay siya ay tatanggap ng kaparehong kabutihan). Ang mga Sahaabah radhiyallahu anhum ay nagtanong, “Paano namin dapat bigkasin ang Salawat sa iyo, O Sugo ng Allah ta’ala?” Binibigkas ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ang sumusunod na aayat:

إِنَّ الله وَمَلئِٰكَتَهُ يُصَلُّوْنَ عَلٰى النِّبِيِّ يٰأَيُّهَا الَّذِيْنَ آمَنُوْا صَلُّوْا عَلَيْهِ وَسَلِّمُوْا تَسْلِيْمًا

Ang Allah at ang Kanyang mga anghel ay nagpadala ng Salawat (mga pagpapala) sa Nabi sallallahu alayhi wasallam. O kayong mga naniniwala! Ipadala niyo sa kanya ang Salawat at Salaam.
Pagkatapos noon ay binanggit ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ang sumusunod na Salawat at sinabing bigkasin ito ng isang daang beses:

اَللّٰهُمَّ صَلِّ عَلٰى مُحَمَّد

Suriin din ang

Ang Dakilang Kabutihan ng Pagbigkas ng Salawat sa araw ng Jumuah

عن أوس بن أوس قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: إن من أفضل …