عن كعب بن عجرة قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: احضروا المنبر فحضرنا فلما ارتقى درجة قال: آمين فلما ارتقى الدرجة الثانية قال: آمين فلما ارتقى الدرجة الثالثة قال: آمين فلما نزل قلنا: يا رسول الله لقد سمعنا منك اليوم شيئا ما كنا نسمعه قال: إن جبريل عليه الصلاة والسلام عرض لي فقال: بعدا لمن أدرك رمضان فلم يغفر له قلت: آمين فلما رقيت الثانية قال: بعدا لمن ذكرت عنده فلم يصل عليك قلت: آمين فلما رقيت الثالثة قال: بعدا لمن أدرك أبواه الكبر عنده أو أحدهما فلم يدخلاه الجنة قلت: آمين (المستدرك على الصحيحين للحاكم، الرقم: 7256، وقال: هذا حديث صحيح الإسناد ولم يخرجاه وأقره الذهبي)
Ang Sumpa ng Jibreel alayhis salam at ng Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam
Ang Sayyiduna Ka’b bin Ujrah radhiyallahu anhu ay nag-ulat ng sumusunod: Sa isang pagkakataon, tinawag ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ang mga Sahaabah radhiyallahu anhum , “Hali kayo sa mimbar.” Nang magtipon kami sa paligid ng mimbar, ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay umakyat sa unang hakbang at nagsabi, “Aameen.” Pagkatapos ay umakyat siya sa pangalawang hakbang at sinabing, “Aameen.” Pagkatapos, umakyat ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa ikatlong hakbang at nagsabi, “Aameen.” Matapos ihatid ang khutbah, nang bumaba si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam mula sa mimbar, nagtanong kami, “O Rasul ng Allah sallallahu alayhi wasallam! May narinig kaming sinabi mo ngayon na hindi namin narinig na sinabi mo noon (yun ay pagsasabi ng aameen ng tatlong beses habang umaakyat sa mimbar).” Sumagot ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, “(Nang ako ay umakyat sa unang hakbang,) si Jibreel alayhis salam ay nagpakita sa aking harapan at nagsabi, ‘Kapahamakan ang para sa taong nasaksihan niya ang mapagpalang buwan ng Ramadan, gayunpaman pinabayaan niya ito nang hindi nakakuha ng kapatawaran (yun ay hindi niya natupad ang mga karapatan ng buwang ito).’ Sabi ko aameen sa Duaa na ito. Nang ako ay umakyat sa ikalawang baitang, sinabi niya, ‘Kapahamakan ang para sa taong sa kanyang harapan ay nabanggit ang iyong pangalan, gayunpaman hindi siya nag Salawat sa iyo.’ Ako ay nagsabi ng aameen sa Duaa na ito. Nang ako ay umakyat sa ikatlong baitang, sinabi niya, “Kapahamakan ang para sa taong naabutan niya ang kanyang mga magulang o isa sa kanila na matanda na, gayunpaman (dahil sa hindi paglilingkod sa kanila,) hindi sila naging daan upang siya ay makapasok sa Jannah. Sabi ko aameen sa Duaa na ito.”
Pag-iingat sa Pagsulat ng Salawat
Si Sayyiduba Abu Sulaimaan, Muhammad bin Husain rahimahullah, ay nagsabi: Sa aking mga kapitbahay, mayroong isang lalaki na ang pangalan ay Fadhl na abalang-abala sa pagsasagawa ng nafl salaah at pag-aayuno na nafl. Minsan ay binanggit niya sa akin, “Kinakopya ko noon ang Ahaadith ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ngunit hindi ko nakaugalian na isulat ang Salawat pagkatapos ng pangalan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Pagkatapos nun ay ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagpakita sa isang panaginip at sinabi sa akin, ‘Bakit hindi mo binibigkas ang Salawat sa akin tuwing ang aking pangalan ay binabanggit o isinulat?’” Pagkatapos ay nag-ingat si Fadhl sa pagbigkas ng Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam tuwing ang pangalan ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nababanggit. Pagkaraan ng ilang araw, nakita niyang muli ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa isang panaginip at sinabi sa kanya ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, “Ipagpatuloy mo ang pagbigkas ng Salawat sa akin tuwing binabanggit ang aking pangalan dahil katotohanan na ang iyong Salawat ay nakarating sa akin.”