عن حسين بن علي رضي الله عنهما قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من ذكرت عنده فخطىء الصلاة علي خطىء طريق الجنة (المعجم الكبير للطبراني، الرقم: 2887)
Si Sayyiduna Husain bin ‘Ali radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinuman na sa kanyang harapan ay binanggit ang aking pangalan, at siya ay hindi nagpadala ng mga pagbati (Salawat) sa akin, siya ay nag-iwan ng isang gawain na magdadala sa Jannah.”
Ang pagsulat ng ‘sallallahu alayhi wasallam’ nang Buo
Si sayyiduna Ubaidullaah bin Umar Qawaareeri rahimahullah ay nagsabi: Ako ay may malapit na kasama na isang eskriba ang propesyon. Pagkatapos ng kanyang pagpanaw, minsan ko siyang nakita sa panaginip at nagtanong sa kanya kung paano siya pinakitunguhan ng Allah ta’ala. Sumagot siya na pinatawad siya ng Allah ta’ala. Nang itanong ko sa kanya ang dahilan, sinabi niya, “Nakaugalian ko noong nabubuhay ako na sa tuwing isusulat ko ang pinagpalang pangalan ng Nabi sallallahu alayhi wasallam, lagi kong isinusulat ang ‘sallallahu alayhi wasallam’ pagkatapos ng pinagpalang pangalan. Mahal na mahal ng Allah ta’ala ang gawaing ito kaya pinagkalooban Niya ako ng mga biyaya na hindi pa nakita ng mata, ni hindi narinig ng sinumang tainga, at hindi sumagi sa isip ng sinumang tao ang gayong mga pagpapala at biyaya.” (AlQawlul Badee pg. 489)