Pitumpung Anghel na nagtatala ng Gantimpala sa Isang Libong Araw

عن ابن عباس قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: من قال جزى الله عنا محمدا صلى الله عليه وسلم بما هو أهله أتعب سبعين كاتبا ألف صباح (حلية الأولياء 3/206، وفي سنده هاني بن المتوكل وهو ضعيف كما في القول البديع صـ 116)

Si Sayyiduna Ibnu Abbaas radhiyallahu anhuma ay nagsalaysay na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhu wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang bumigkas ng sumusunod (Salawat), mapapapagod niya ang pitumpung anghel (sa pagtatala ng gantimpala ng Salawat na binigkas niya) sa loob ng isang libong araw.”

جَزٰى اللهُ عَنَّا مُحَمَّدًا صَلّٰى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ بِمَا هُوَ أَهْلُهُ

Nawa’y gantimpalaan ng Allah ta’ala si Muhammad sallallahu alayhi wasallam sa ngalan natin bilang siya ay karapat-dapat (ng gantimpala na angkop sa kanyang kataastaasang posisyon).
Nailigtas mula sa Mabangis na Hayop sa dahil sa Pagbigkas ng Salawat
Naiulat tungkol kay Shaikh Abul Hasan Shaazili rahimahullah na sa isang pagkakataon, siya ay nasa kagubatan nang may lumapit sa kanya na mababangis na hayop. Sa takot na mapahamak siya ng hayop na ito, siya ay agad nagbigkas ng Salawat at Salaam kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam. Ang dahilan ng kanyang paggawa nito ay ito ay iniulat sa tunay na Ahaadith na kapag ang isang tao ay nagpadala ng isang Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ang Allah ta’ala ay magpapadala ng sampung Salawat (yun ay mga awa at biyaya ng Allah) sa kanya, at ang taong kaawaan ng Allah ta’ala, si Allah ta’ala ay sapat na sa kanya para sa lahat ng alalahanin at paghihirap na kanyang kinakaharap. Kaya naman, sa pamamagitan ng pagbigkas ng Salawat kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, si Shaikh Shaazili rahimahullah ay naligtas mula sa mababangis na hayop. (Al-Qawlul Badee pg. 265)

Suriin din ang

Pagtanggap ng Espesyal na Pagkain

• Ang mga sumusunod na duas ng azaan ay maaari ding bigkasin: اللّٰهُمَّ رَبَّ هٰذِهِ …