Pagtaas ng Kabuhayan

عن سهل بن سعد رضي الله عنه قال: جاء رجل إلى النبي صلى الله عليه وسلم فشكا إليه الفقر وضيق العيش أو المعاش فقال له رسول الله صلى الله عليه وسلم: إذا دخلت منزلك فسلم إن كان فيه أحد أو لم يكن فيه أحد ثم سلم علي واقرأ قل هو الله أحد مرة واحدة ففعل الرجل فأدَرَّ الله عليه الرزق حتى أفاض على جيرانه وقراباته (أبو موسى المديني وسنده ضعيف كما في القول البديع صـ 279)

Si Sahl bin Sa’d radhiyallahu anhu ay nag-ulat na sa isang pagkakataon, may isang Sahaabi ang dumating kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at nagreklamo ng kahirapan sa paghahanap buhay. Sinabi ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa Sahaabi na ito, “Pag pasok mo sa iyong tahanan ay mag Salaam ka, hindi alintana kung mayroong tao sa tahanan o wala. Pagkatapos noon, mag Salaam ka sa akin at bigkasin ang Qul-Huwallah (Surah Ikhlaas) nang isang beses.” Ginawa ng Sahaabi ang itinuro ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, at biniyayaan siya ng Allah ta’ala ng napakaraming kabuhayan hanggat nagsimula siyang gumastos sa kanyang mga kapitbahay at kamag-anak.

Pananatili kasama ang mga Nagbigkas ng Salawat

Minsang binanggit ni Hazrat Sa’d Zanjaani rahimahullah ang sumusunod:
May isang taong asetiko na naninirahan kasama namin sa Egypt. Ang kanyang pangalan ay Abu Sa’eed Al-Khayyaat rahimahullah. Hindi siya nakikihalubilo at nakikisalo sa mga tao, ni hindi siya nakikilahok sa alinman sa mga pagtitipon at majaalis na nagaganap. Gayunpaman, pagkaraan ng ilang panahon, nagsimula siyang dumalo nang maaga sa majlis (pagtitipon) ni Ibnu Rasheeq rahimahullah.
Nang mapansin ito ng mga tao, nagulat sila at tinanong siya kung bakit siya dumadalo sa pagtitipon ni Ibnu Rasheeq rahimahullah. Sumagot si Abu Sa’eed Al-Khayyaat rahimahullah, “Nakita ko ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam sa isang panaginip at sinabi niya sa akin, ‘Damalo ka sa pagtitipon ni Ibnu Rasheeq, habang siya ay nagpapadala ng masaganang pagbati sa akin (yun ay Salawat).'” (Al-Qawlul Badee pg. 131)

Suriin din ang

Pagbigkas ng Salawat pagkatapos marinig ang Azaan

• Pagkatapos ng azaan, dapat bigkasin ang Salawat kay Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam at …