Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 22

28. Tumulong sa pagpapanatiling malinis at maayos ng musjid.

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم من أخرج أذى من المسجد بنى الله له بيتا في الجنة (سنن ابن ماجة، الرقم: 757)

Si Sayyiduna Abu Sa’eed Khudri radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Sinuman ang mag-alis ng anomang dumi sa musjid, ang Allah ta’ala ay magtatayo para sa kanya ng isang kahanga-hangang palasyo sa Jannah.”
29. Huwag nang dalhin sa musjid ang mga sanggol, hindi maayos ang pag-iisip o mga bata na wala pa sa tamang edad at hindi alam ang mga aadaab (alitintunin) ng musjid.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 18

24. Hindi pinahihintulutan na ilipat ang isang tao mula sa kanyang kinalalagyan sa musjid upang …