Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 14

19. Huwag pilitin ang iyong sarili sa unang saff/linya kung walang sapat na espasyo, sa gayon ay magdudulot ng abala sa iba.

عن عبد الله بن بسر رضي الله عنه قال جاء رجل يتخطى رقاب الناس يوم الجمعة والنبي صلى الله عليه وسلم يخطب فقال له النبي صلى الله عليه وسلم اجلس فقد آذيت (سنن أبي داود، الرقم: 1120)

Si Sayyiduna Abdullah bin Busr radhiyallahu anhu ay nag-ulat na sa isang pagkakataon, isang tao ang pumasok sa musjid sa Araw ng Jumuah habang si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagbibigay ng khutbah. Nagsimulang umakyat ang lalaki sa balikat ng mga tao (sinusubukang abutin ang unang saff). Si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam (ay nagalit sa kanya) na nagsabi, “Maupo ka, sapagkat katiyakang nagdulot ka ng abala (sa mga tao).”

عن سهل بن معاذ بن أنس الجهني عن أبيه رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم من تخطى رقاب الناس يوم الجمعة اتخذ جسرا إلى جهنم (سنن الترمذي، الرقم: 513)

Si Sayyiduna Mu’aaz bin Anas radhiyallahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang umaakyat sa balikat ng mga tao sa Araw ng Jumuah ay gumagawa ng tulay para sa kanyang sarili patungo sa Jahannum.”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 11

13. Huwag magtaas ng boses o mag-ingay sa musjid at sa paligid ng musjid. عن …