Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 6

6. Bigkasin ang mga sunnah na dua kapag nagpapatuloy sa musjid. Ang ilan sa mga sunnah na dua ay:

Unang Dua : 
Ang sinumang bumibigkas ng sumusunod na dua kapag umalis patungo sa musjid ay makakakuha ng espesyal na awa ng Allah ta’ala, at pitumpung libong malaa’ikah (mga anghel) ay magdu-dua para sa kanyang kapatawaran.

اَللّٰهُمَّ إِنِّيْ أَسْأَلُكَ بِحَقِّ السَّائِلِيْنَ عَلَيْكَ وَأَسْأَلُكَ بِحَقِّ مَمْشَايَ هٰذَا فَإِنِّيْ لَمْ أَخْرُجْ أَشَرًا وَلَا بَطَرًا وَلَا رِيَاءً وَلَا سُمْعَةً وَخَرَجْتُ اِتِّقَاءَ سَخَطِكَ وَابْتِغَاءَ مَرْضَاتِكَ فَأَسْأَلُكَ أَنْ تُعِيْذَنِيْ مِنَ النَّارِ وَأَنْ تَغْفِرَ لِيْ ذُنُوْبِيْ إِنَّهُ لَا يَغْفِرُ الذُّنُوْبَ إِلَّا أَنْتَ

O Allah ta’ala! Nakikiusap ako sa Iyo, sa pamamagitan ng tagapamagitan ng mga taong bumaling sa Iyo sa dua, at nakikiusap ako sa Iyo, sa pamamagitan ng aking paglakad na ito – sapagka’t sa katunayan ay hindi ako lumabas dahil sa pagmamataas, o pagmamayabang, o pakitang tao, ni para mapabilib ang mga tao. Ako ay lumabas na may takot sa Iyong galit at hinahanap ang Iyong kasiyahan. Kaya, ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako mula sa apoy (ng Jahannum) at patawarin Mo ang aking mga kasalanan, tunay na Ikaw lamang ang makapagpatawad ng mga kasalanan.
Tandaan: Sa pagsasalaysay sa Musnad Ahmad, binanggit din na ang pitumpung libong malaa’ikah (mga anghel) ay nagsasagawa ng dua para sa kanyang kapatawaran at matatanggap niya ang espesyal na awa ng Allah ta’ala hanggang sa matapos niya ang kanyang salaah.
Pangalawang Duaa

اَللّٰهُمَّ اجْعَلْ فِيْ قَلْبِيْ نُوْرًا وَفِيْ لِسَانِيْ نُوْرًا وَاجْعَلْ فِيْ سَمْعِيْ نُوْرًا وَاجْعَلْ فِيْ بَصَرِيْ نُوْرًا وَاجْعَلْ مِنْ خَلْفِيْ نُوْرًا وَمِنْ أَمَامِيْ نُوْرًا وَاجْعَلْ مِنْ فَوْقِيْ نُوْرًا وَمِنْ تَحْتِيْ نُوْرًا اَللّٰهُمَّ أَعْطِنِيْ نُوْرًا

 O Allah ta’ala! Itanim Mo sa aking puso ang Noor/liwanag, at sa aking dila, sa aking pandinig, sa aking paningin, sa aking likod, sa aking harap, sa itaas ko, at sa ibaba ko. O Allah ta’ala! Pagpalain mo ako ng Noor.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 3

3. Mag-lagay ng itr/pabango bago pumunta sa musjid kung maari. عن أبي سعيد الخدري رضي …