Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 5

5. Pumasok sa musjid ng may wudhu. Makrooh ang pumasok sa musjid nang walang wudhu.

عن أبي هريرة رضي الله عنه أن رسول الله صلى الله عليه وسلم قال لا يزال العبد في صلاة ما كان في مصلاه ينتظر الصلاة وتقول الملائكة اللهم اغفر له اللهم ارحمه حتى ينصرف أو يحدث قلت ما يحدث قال يفسو أو يضرط (صحيح مسلم، الرقم: 649)

Si Sayyiduna Abu Hurairah radhiyahu anhu ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Hangga’t ang tao ay nananatili sa kanyang musalla na naghihintay ng salaah, siya ay tumatanggap ng gantimpala ng taong nasa salaah. Ang malaa’ikah (mga anghel) ay patuloy na nagduduaa para sa kanya na nagsasabing, ‘O Allah ta’aa, patawarin mo siya! O Allah ta’ala, kaawaan mo siya!’ Siya ay patuloy na tumatanggap ng gantimpala hanggang sa siya ay hindi umaalis sa musjid o nasisira ang abdas habang siya ay nasa musjid.” Ang isang Sahaabi radhiyallahu anhu ang nagtanong, “Paano nangyayari ang hadath?” Sumagot si Sayyiduna Rasulullah radhiyallahu anhu, “Sa pagdaan ng hangin (pagkasira ng kanyang wudhu).”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …