Sunnah na Paraan sa Pagtawag ng Adhaan – 8

16. Kung maraming mga qadha salaah ang ginagawa nang magkakasama, ang adhaan ay itatawag lamang para sa unang napalampas na salaah. Gayunpaman, ang isang hiwalay na iqaamah ay dapat itawag para sa bawat salaah.

عن أبي عبيدة بن عبد الله بن مسعود رضي الله عنه قال قال عبد الله إن المشركين شغلوا رسول الله صلى الله عليه وسلم عن أربع صلوات يوم الخندق حتى ذهب من الليل ما شاء الله فأمر بلالا فأذن ثم أقام فصلى الظهر ثم أقام فصلى العصر ثم أقام فصلى المغرب ثم أقام فصلى العشاء (سنن الترمذي، الرقم: 179)

Si Sayyiduna Abu Ubaidah rahimahullah ay nag-ulat na ang kanyang ama, si Sayyiduna Abdullah bin Mas’ood radhiyallahu anhu, ay nabanggit niya, “Sa okasyon ng Labanan sa Khandaq, ang mga hindi mananampalatay ay pinanatiling abala ang Rasulullah sallallahu alayhi wasallam (at ganun din ang mga mananampalataya) (sa pakikipaglaban) hanggang sa napalampas ang apat na salaah at lumipas ang isang bahagi ng gabi. Pagkatapos ay inutusan ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam si Bilaal radhiyallahu anhu na tumawag ng adhaan. Pagkatapos tumawag ng adhaan, si Bilaal radhiyallahu anhu ay tumawag ng iqaamah at sila ay nagsagawa ng qadha ng Zuhr Salaah. Pagkatapos noon, tinawag ni Bilaal radhiyallahu anhu ang iqaamah at isinagawa nila ang qadha ng Asr Salaah. Pagkatapos noon, tinawag ni Bilaal radhiyallahu anhu ang iqaamah at ginawa nila ang qadha ng Maghrib Salaah. Sa wakas, si Bilaal radhiyallahu anhu ay tumawag ng iqaamah at sila ay nagsagawa ng Esha Salaah.”
Tandaan: Ang Esha Salaah ay hindi napalampas ngunit isinagawa sa huli kaysa sa karaniwang oras. Para sa kadahilanang ito, ang Esha Salaah ay kasama rin sa iba pang lumipas na mga salaah.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 7

7. Pumasok sa musjid ng inuuna ang kanang paa. عن أنس بن مالك رضي الله …