Sunnah na Paraan sa Pagtawag ng Adhaan – 2
admin
August 23, 2023
Adhaan At Iqamah, Sunnah na Pamamaraan
159 Views
3. Tumawag ng adhaan sa labas ng musjid, mas mabuti mula sa isang mataas na lugar upang ang tinig ay malayo ang maabot.
عن عروة بن الزبير عن امرأة من بني النجار قالت كان بيتي من أطول بيت حول المسجد وكان بلال يؤذن عليه الفجر فيأتي بسحر فيجلس على البيت ينظر إلى الفجر فإذا رآه تمطى ثم قال اللهم إني أحمدك وأستعينك على قريش أن يقيموا دينك قالت ثم يؤذن قالت والله ما علمته كان تركها ليلة واحدة تعني هذه الكلمات (سنن أبي داود، الرقم: 519)
Si Sayyiduna Urwah bin Zubair radhiyallahu anhu ay nag-ulat na ang isang babae mula sa tribo ni Banu Najjaar ay nagsalaysay, “Ang aking bahay ay isa sa mga pinakamataas na bahay sa paligid ng Musjid (Musjid Nabawi), at si Bilaal radhiyallahu anhu ay sumisigaw ng adhaan ng Fajr mula sa tuktok ng aking bahay. Siya ay dumarating sa oras ng suhoor at uupo sa bubong, tumitingin sa abot-tanaw at naghihintay ang oras ng Fajr upang sumikat. Kapag nakita niya ang oras na papasok, siya ay mag-uunat (dahil sa matagal na pag-upo, naghihintay na makita ang oras ng Fajr) at binibigkas niya ang mga sumusunod na dua, ‘O Allah ta’ala, pinupuri kita (sa pagpapahintulot sa akin na tumawag ng adhaan) at humihingi ako ng tulong sa Iyo at nagsusumamo sa Iyo na gabayan ang Quraish (ang pamilya ng Si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam na hindi pa yumakap sa Islam) sa Islam upang kanilang itaguyod at itatag ang Iyong Deen (sa mundo).’” Sinabi pa ng babae, “Pagkatapos ay tatawag siya ng adhaan. Ako ay kumukuha ng isang pagsumpa sa pangalan ng Allah ta’ala, hindi ko maalala na iniwan niya ang dua na ito kahit isang araw (yoon ay ang kanyang dua para sa Quraish bago tumawag ng adhaan).”
4. Tamawag ng adhaan na malakas ang boses.
عن عبد الله بن زيد رضي الله عنه قال … فأخبرته بما رأيت فقال إنها لرؤيا حق إن شاء الله فقم مع بلال فألق عليه ما رأيت فليؤذن به فإنه أندى صوتا منك (سنن أبي داود، الرقم: 499)
Si Sayyiduna Abdullah bin Zaid radhiyallahu anhu ay nag-ulat, “… Pagkatapos ay ipinaalam ko kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ang tungkol sa panaginip na aking nakita (at ang paraan ng pagtawag ng adhaan na itinuro sa akin sa panaginip). Sumagot si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, ‘Tiyak na ito ay isang tunay na panaginip inshaAllah. Tumayo ka kasama si Bilaal radhiyallahu anhu at sabihin sa kanya ang mga salita ng adhaan na narinig mo sa iyong panaginip upang siya ay tumawag ng adhaan sa mga salitang ito, dahil ang kanyang boses ay mas malakas kaysa sa iyo.’”
عن عبد الرحمن بن عبد الله بن عبد الرحمن بن أبي صعصعة الأنصاري ثم المازني عن أبيه أنه أخبره أن أبا سعيد الخدري رضي الله عنه قال له إني أراك تحب الغنم والبادية فإذا كنت في غنمك أو باديتك فأذنت بالصلاة فارفع صوتك بالنداء فإنه لا يسمع مدى صوت المؤذن جن ولا إنس ولا شيء إلا شهد له يوم القيامة قال أبو سعيد رضي الله عنه سمعته من رسول الله صلى الله عليه وسلم (صحيح البخاري، الرقم: 609)
Naiulat mula kay Sayyiduna Abdullah bin Abdir Rahmaan bin Abi Sa’sa’ah radhiyallahu anhu na sa isang pagkakataon, sinabi ni Sayyiduna Abu Sa’eed Khudri radhiyallahu anhu sa kanya, “Nakikita ko na gusto mong manatili kasama ang iyong mga alagang hayop (pagpapastol sa kanila) sa mga lupain. Kapag ikaw ay kasama ang iyong mga alagang hayop o nasa mga bukid, (at ang oras ng salaah ay papasok) at nais mong tumawag ng adhaan, kung gayon ay dapat mong itaas ang iyong boses at tumawag ng adhaan, dahil tiyak na ang mga jinn, mga tao o iba pang nilikha na nakakarinig ng tinig ng muadhin hanggang sa maabot nito ay magpapatotoo para sa kanya sa Araw ng Qiyaamah.” Sinabi ni Sayyiduna Abu Sa’eed radhiyallahu anhu, “Narinig ko ito mula sa Rasulullah sallallahu alayhi wasallam.”