Sunnah na Paraan sa Pagtawag ng Adhaan – 1

1. Tiyakin na ang iyong intensyon sa pagtawag ng adhaan ay para lamang sa kasiyahan ng Allah ta’ala.

عن ابن عباس رضي الله عنهما أن النبي صلى الله عليه وسلم قال من أذن سبع سنين محتسبا كتبت له براءة من النار (سنن الترمذي، الرقم: 206)

Si Sayyiduna Ibn Abbas radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang sinumang tumatawag ng adhaan sa loob ng pitong taon nang may katapatan at may pag-aasang makamit ang gantimpala (lamang) ay tatanggap ng garantiya ng kalayaan mula sa apoy ng Impiyerno.”

2. Tumawag ng adhaan sa nakatakdang oras at ng maagap.

عن أبي محذورة رضي الله عنه قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم أمناء المسلمين على صلاتهم وسحورهم المؤذنون (السنن الكبرى للبيهقي، الرقم: 1999)

Iniulat ni Sayyiduna Abu Mahzoorah radhiyallahu anhu na sinabi ni Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam, “Ang mga tagapangasiwa ng mga Muslim sa kanilang salaah at suhoor ay ang mga muadhin (yun ay ang mga muadhin ay pinagkatiwalaan ng gawain ng pagpapaalerto sa mga Muslim sa tamang oras ng salaah at oras ng suhoor).”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 8

8. Bigkasin ang masnoon/sunnah na mga dua kapag pumapasok sa musjid. Ang ilan sa mga …