Mga Katangian ng Muadhin

1. Ang muadhin ay dapat lalaki.

عن ابن عمر رضي الله عنهما قال ليس على النساء أذان ولا إقامة (السنن الكبرى للبيهقي، الرقم: 1996)

Iniulat na si Sayyiduna Ibnu Umar radhiyallahu anhuma ay nagsabi, “Ang pagtawag ng adhaan at iqaamah ay hindi responsibilidad ng mga babae.”

2. Siya ay nasa tamang pag-iisip.

3.Siya ay dapat nasa edad ng tamang pag-iintindi. Ang adhaan ng maliit na bata na hindi pa sa edad ng tamang pag-iintindi ay hindi balido.

4.Dapat niyang mabigkas nang wasto ang mga salita ng adhaan.

5. Siya ay dapat magkaroon ng kaalaman sa mga oras ng salaah.

6. Siya ay dapat na isang banal at matuwid na Muslim.

عن ابن عباس رضي الله عنهما قال قال رسول الله صلى الله عليه وسلم ليؤذن لكم خياركم وليؤمكم قراؤكم (سنن أبي داود، الرقم: 590)

Si Sayyiduna Ibnu Abbaas radhiyallahu anhuma ay nag-ulat na si Sayyiduna Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ay nagsabi, “Ang pinakamabuti (pinaka matuwid) mula sa inyo ay dapat italaga upang tumawag ng adhaan, at ang pinakamahusay na qaari (taga pagbasa ng Quran) mula sa inyo ay dapat manguna sa iyo sa iyong salaah.”

Tandaan: Ang unang tatlong katangiang binanggit ay mga kondisyon para sa bisa ng adhaan. Kaya, kung hindi sila matagpuan, ang adhaan ay hindi magiging wasto.

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 7

7. Pumasok sa musjid ng inuuna ang kanang paa. عن أنس بن مالك رضي الله …