Kabutihan ng Muadhin (taga pagtawag ng Ahdaan) – 5

9. Ang pagnanais ng Sahaabah radhiyallahu anahum na tumawag ng adhaan at ninais nila na ang kanilang mga anak ay tumawag din ng adhaan.

Nasa ibaba ang ilan sa mga Ahaadith na naglalarawan sa pananabik ng Sahaabah radhiyallahu anhum na tumawag ng adhaan:

Ang pananais ni Sayyiduna Ali radhiyallahu anhu kay Sayyiduna Hasan radhiyallahu anhu at Sayyiduna Husain radhiyallahu anhu na tumawag ng adhaan:

عن علي رضي الله عنه قال ندمت أن لا أكون طلبت إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم فيجعل الحسن والحسين مؤذنين (مجمع الزوائد، الرقم: 1836)

Iniulat na si Sayyiduna Ali radhiyallahu anhu ay nagsabi, “Ako ay nagsisisi sa katotohanang hindi ko hiniling kay Rasulullah sallallahu alayhi wasallam na italaga ang aking dalawang anak na lalaki, sina Hasan at Husain radhiyallahu anhuma, bilang mga muadhin upang sila ang tumawag ng adhaan.”

Ang pananais ni Sayyiduna Umar radhiyallahu anhu na tumawag ng adhaan:

عن قيس بن أبي حازم قال قدمنا على عمر بن الخطاب رضي الله عنه فسأل من مؤذنكم فقلنا عبيدنا وموالينا فقال بيده هكذا يقلبها عبيدنا وموالينا إن ذلكم بكم لنقص شديد لو أطقت الأذان مع الخلافة لأذنت (السنن الكبرى للبيهقي، الرقم: 2002)

Si Qais bin Abi Haazim rahimahullah ay nag-ulat, “Minsan, kami ay dumating (sa Madinah Munawwarah) upang salubungin si Umar radhiyallahu anhu. Sa aming pag-uusap, tinanong niya kami, ‘Sino ang tumatawag ng adhaan sa lugar na inyong tinitirhan?’ Sumagot kami, ‘Itinalaga namin ang aming mga alipin na tumawag ng adhaan.’ Si Umar radhiyallahu anhu, na kumukumpas ng kanyang mga kamay (sa pagtataka, inulit muli niya ang aming mga salita) na nagsasabing, ‘Kami ay nagtalaga ng aming mga alipin na tumawag ng adhaan.’ Pagkatapos ay sinabi niya, ‘Katiyakan na ito ay isang malaking pagkukulang sa iyong panig (na ikaw ay nagtalaga ng mga taong iyon na tumawag ng adhaan na walang kaalaman sa Deen. ). (Ang Adhaan ay napakalaking ibaadah at ang gantimpala nito ay napakarami na) kung nagawa kong tumawag ng adhaan kasama ng pamamahala sa mga gawain ng khilaafah, tiyak na tinanggap ko ang posisyon ng isang muadhin at tumawag ng adhaan.’”

   عن عمر رضي الله عنه أنه قال لو كنت مؤذنا لكمل أمري وما باليت أن لا أنتصب لقيام ليل ولا لصيام نهار سمعت رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول اللهم اغفر للمؤذنين ثلاثا قلت يا رسول الله تركتنا ونحن نجتلد على الأذان بالسيوف فقال كلا يا عمر إنه سيأتي زمان يتركون الأذان على ضعفائهم تلك لحوم حرمها الله على النار لحوم المؤذنين (كشف الخفاء، الرقم: 2118)

Iniulat tungkol kay Sayyiduna Umar radhiyallahu anhu na sinabi niya, “Kung magagawa kong tumawag ng adhaan (kasama ang pamamahala sa mga gawain ng khilaafah), tiyak na makumpleto ang aking kaligayahan. (Ang gantimpala ng pagtawag ng adhaan ay napakalaki na kung ako ay may karangalan na maging isang muadhin at) kung ako ay hindi nagsagawa ng anumang nafl salaah sa gabi (tahajjud) o nagsagawa ng anumang nafl na pag-aayuno sa araw, ito ay magiging sanhi ng pagka lungkot ko. Narinig ko si Rasulullah sallallahu alayhi wasallam na gumagawa ng espesyal na dua para sa mga muadhin ng Ummah na ito na nagsasabing, ‘O Allah ta’ala, patawarin mo ang mga kasalanan ng mga muadhin!’ Ginawa ito ng Rasulullah sallallahu alayhi wasallam ng tatlong beses. Sa pagtataka, sinabi ko, ‘O Rasulullah sallallahu alayhi wasallam! (Inangat mo ang posisyon ng muadhin sa isang lawak na) iniwan mo na kami ngayon sa kondisyon na kami ay handang makipaglaban sa aming mga sarili gamit ang aming mga espada upang tumawag ng adhaan.’ Sinabi ni Nabi sallallahu alayhi wasallam, ‘Hindi. , O Umar radhiyallahu anhu! Darating ang panahon kung saan ang pagnanais na tumawag ng adhaan ay wala na sa puso ng mga tao, hanggang sa ang mga tao ay aasa sa mahihina sa kanila upang tumawag ng adhaan. Ang mga taong iyon (ang mga muadhin) ay ganoon na ginawa ng Allah ta’ala ang apoy ng Jahannum na haraam sa kanilang laman, ang laman ng mga muadhin.’”

Suriin din ang

Mga Sunnah sa (pagpunta sa) Musjid – 7

7. Pumasok sa musjid ng inuuna ang kanang paa. عن أنس بن مالك رضي الله …